News Releases

English | Tagalog

Biga10 housemates ni Kuya, kumpleto na

May 24, 2022 AT 01:18 PM

Papalapit na sa exciting part ang “PBB Kumunity” dahil nabuo na ang Biga10 housemates ni Kuya na maglalaban para masungkit ang titulong Big Winner. Ang comeback housemates na sina Brenda Mage, Stephanie Jordan, Michael Ver Comaling, at Zach Guerrero ang nakakuha ng natitirang apat na slots para samahan sina Celebrity Kumunity Top 2 Anji Salvacion at Samantha Bernardo, Adult Kumunity Top 2 Nathan Juane at Isabel Laohoo, at ang Teen Kumunity Top 2 na sina Gabb Skribikin at Rob Blackburn bilang Biga10 housemates. Sundan sila sa huling linggo ng “PBB Kumunity,” kung saan maglalaban ang bawat housemate para sa kanilang pangarap at tagumpay sa iba’t ibang ‘kumunitest’ ni Kuya para mapabilang sa Big 4.

Sinong housemate kaya ang aangat ang galing sa loob ng bahay ni Kuya at tatanghaling Big Winner sa  Big Night ngayong Linggo (Mayo 29)? Abangan ‘yan sa huling linggo ng “PBB Kumunity” na napapanood sa Kapamilya Channel, A2Z, Kapamilya Online Live, TFC, iWantTFC, at Kumu.

PHOTOS

DOWNLOAD ALL 3 PHOTOS FROM THIS ARTICLE