News Releases

English | Tagalog

Aspiring singer mula Cavite, nanalo bilang udang Ultimate Bida Star Singer

May 26, 2022 AT 09:44 AM

Itinanghal bilang kauna-unahang Ultimate Bida Star Singer angaspiring singerna si Amanda Manaois na anim na taong nang nagsisikap na abutin ang kanyang pangarap maging singer sa bansa.

 

"Paniguradong magbabago na yung buhay ko matapos ang anim na taon na pagsusubok kong makapasok sa music industry sa paggawa ko ng mga sinulat kong kanta at covers," saad niya.

 

Sa huling live performance show, naalala ng host ng programa na si Karina Bautista ang sinabi ng head ng"It's Showtime" at Polaris na si Reily Santiagosa ipinakitang improvement ni Amanda sa kompetisyon. Ayon sa "Bida Star Singer" judge, mas naging powerful ang boses ng dalaga mula nang una niya itong narinig kumanta.

 

Para nga kay Amanda, napaka-fulfilling ng naging journey niya sa online search. "Nitong nakaraang linggo, ang dami kong natutunan sa music, pagkanta, mga technique sa pagkanta mula sa mga hurado. Bukod dito, marami rin akong nakilalang bagong kaibigan," pagbabahagi niya.

 

Mula sa daan-daang Pilipino na nag-audition, nanaig si Amanda at nakakuha ng 84.51 ng vote points mula sa kumu diamonds, KTX votes, at judges scores sa kanilang huling sing-off kaya naman nasungkit niya ang titulo "Ultimate Bida Star Singer."

 

Aniya, "Sobrang blessed and grateful ako kasi alam ko po yung hirap ng family ko po para matupad lang yung pangarap ko maging isang singer. Nag-join po ako sa 'Bida Star Singer' kahit pasuko na ako sa dreams ko. Natupad ko pa rin yung pangarap ko kaya nagpapasalamat ako sa suporta ng pamilya at friends ko."

 

Bilang "Ultimate Bida Star Singer," nanalo rin si Amanda ng P50,000 cash prize, ABS-CBN management at recording contract, tsansa na ma-shortlist para sa interview ng "Tawag Ng Tanghalan" sa "It's Showtime," appearances sa iba't ibang Kapamilya shows, at isang special trophy.

 

Samantala, sumunod naman sa kanya si AJ Andales mula sa Cebu, na nakakuha ng 64.88 vote points at umuwing 3rd placer naman ang Bulacañong si Ryle Mendez na nakakuha ng 57.57 vote points.

 

Patuloy ang paghahanap ng "Bida Star" ng bagong mga talentadong Pilipino sa digital world at pagbibigay daan nila na tuparin ang pangarap ng mga Pilipinong may natatanging talento katulad nina DustineMayores na isang "PBB" kumunity season 10 teen housemate ngayon at Ruth Pagana isang Star Hunt artist at ngayon nga ang bago nilang winner na si Amanda.

 

Para sa updates tungkol sa patuloy na journey ni Amanda,” i-follow lang ang Star Hunt sa Facebook (@starhuntabscbn), Kumu (@starhuntabscbn), Twitter (@starhuntabscbn), Instagram (@starhuntabscbn), at Tiktok (@starhuntabscbn).