News Releases

English | Tagalog

KathNiel at cast ng '2 Good 2 Be True,' tampok ngayong Linggo sa 'ASAP Natin 'To'

May 06, 2022 AT 04:12 PM

KathNiel and cast of '2 Good 2 Be True' grace the 'ASAP Natin 'To' stage this Sunday

Celebrate the teleserye comeback of the country's premier loveteam, KathNiel

Abangan din ang anniversary treat ni Gary V.

Itodo na ang long weekend at maki-party kasama ang paborito ninyong Kapamilya stars, tampok ang mga kaabang-abang na world-class performances, ngayong Linggo (Mayo 8) sa "ASAP Natin 'To" sa Kapamilya Channel, A2Z, at TV5.

Bago ang inaabangang balik-teleserye ng country's premier loveteam na KathNiel, samahan muna sa ASAP stage ang Asia's Superstar Kathryn Bernardo at ang Supreme Idol of this generation Daniel Padilla kasabay ang "2 Good 2 Be True" co-stars nilang sina Via Antonio, Hyubs Azarcon, Smokey Manaloto, Alyssa Mulach, Bianca de Vera, Gillian Vicencio, Matt Evans, Yves Flores, Cris Villanueva, Gelli de Belen, Romnick Sarmenta, Irma Adlawan, at Ronaldo Valdez na may kasamang senti kantahan mula kay Moira dela Torre.

Kapana-panabik din ang 39th anniversary pasabog ng nag-iisang Mr. Pure Energy, Gary Valenciano, kasama sina Martin Nievera, Ogie Alcasid, at Regine Velasquez. Kasabay sa pagdiriwang ng Mother's Day, may handang awitin para sa mga mahal nating ina ang New Gen Birit idols na sina JM Yosures, Fana, Reiven Umali, Sam Mangubat, at Sheena Belarmino.

Ipamalas din ang lakas ng kabataan sa kantahan at sayawan nina Janine Gutierrez, Charlie Dizon, Chie Filomeno, Vivoree Esclito, Joao Constancia, at ang buong "ASAP Natin 'To" family kasama si Robi Domingo.

Damang-dama ang pag-ibig sa duet ng breakout loveteam nina KD Estrada at Alexa Ilacad, habang may finale treat din ang cast ng "Viral Scandal" na sina " Charlie Dizon, Kaila Estrada, Markus Paterson, Maxene Magalona, Ria Atayde, Karina Bautista, Aljon Mendoza, Miko Raval, at Dimples Romana kasama sina Gigi de Lana at ang GG Vibes Band.

Talagang papunta pa lang tayo sa exciting part dahil makikihataw rin sa ASAP stage ang online sensation na si AC Soriano pati ang dance hotties na sina AC Bonifacio, Darren, at Enchong Dee.

Paniguradong trending din ang online dance hits hatawan nina Kyle Echarri, Jeremy G, Jameson Blake, Jin Macapagal, Karina Bautista, Krystal Brimner, Awra Briguela, at viral TikTok star na si Argie Roquero.

At damhin ang inspirasyon at pag-asa sa proudly Pinoy vocal showdown nina Gary V., Martin, Ogie, at Regine kasama sina Erik Santos, Jed Madela, Vina Morales, Moira dela Torre, Jason Dy, Nyoy Volante, Darren, Jayda, Kyle Echarri, KD Estrada, Alexa Ilacad, Anji Salvacion, Sheena Belarmino, Sam Mangubat, Reiven Umali, JM Yosures, Fana, Lara Maigue, Angela Ken, Jordan Andrews, Benedix Ramos, at vocal trio iDolls.

Huwag palampasin ang all-star concert experience na ito mula sa longest-running musical variety show sa bansa, ang "ASAP Natin 'To," ngayong Linggo, 12 ng tanghali sa local TV sa Kapamilya Channel, Jeepney TV, A2Z, at TV5, online sa Kapamilya Online Live at iWantTFC, at worldwide via TFC.

Para mapanood ito sa TV5 at A2Z, i-rescan lang ang digital TV box na ginagamit sa bahay, gaya ng TVplus.

Para sa updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, TikTok, at Instagram o bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom.