News Releases

English | Tagalog

Komprontasyon nina Belle at Donny, trending sa social media

June 17, 2022 AT 08:01 AM

Janus, umaming sangkot sa pagkakabaril kay Turs…

Lubos na pinag-usapan at trending ang komprontasyon sa pagitan nina Max (Belle Mariano) at Deib (Donny Pangilinan) habang basa sa ulan matapos malaman ng binata na sangkot ang tito ng nobya sa pagkakabaril sa kapatid na si Dale (Turs Daza) sa “He’s Into Her Season 2.”
 
Matatandaan na isa ito sa mga eksena na labis na nahirapan sina Donny at Belle sa ikalawang season ng palabas. 
 
“Hindi biro ‘yung pag-shoot ng scene na iyon. Umuulan kasi at isang take lang ang pwede namin gawin. Nagpractice kami magbatuhan ng lines kasi hindi na namin mababago kung ano ‘yung masasabi namin sa harap ng camera. Siniguro namin na maganda ‘yung kalalabasan ng eksena,” sabi ni Donny.
 
Para naman kay Belle, worth it ‘yung pinagdaanan nilang hirap para magawa ‘yung naturang eksena. “Matapos namin makita at ma-review ‘yung buong eksena, masasabi ko naman worth it ‘yung ginawa namin,” saad ng dalaga. 
 
Nakasama sa trending list ng Twitter ang ilang topics tungkol sa nasabing episode tulad ng HIH2 Break Hearts, #HesIntoHerS2E9, Episode 9, at #DonBelle at mahigit 500,000 tweets ang naipost ng fans tungkol dito. 
 
Sa episode, hindi matanggap ni Deib na naitago ni Max ang katotohanan na kasama ang tito nitong si Boyet (Janus del Prado) sa pagkakabaril kay Dale lalo pa at nangako na wala silang itatagong sikreto at hindi sila magsisinungaling sa isa’t isa. 
 
Kahit nga anong paliwanag ni Max ay hindi magawa ni Deib na makinig sa sakit na dulot ng pagtatago niya ng katotohanan. Mas lumala pa ang sitwasyon ngayong dinidiin din ng ama ni Deib na alam na ni Max ang katotohanan bago pa sila magkakilala.
 
Sa kabila nito, labis pa ring kinilig ang fans matapos payungan ni Deib si Max mula sa ulan at ipagtanggol ito mula sa pambubully sa kanilang eskwelahan. Ano na kaya ang mangyayari sa kanilang relasyon? 
 
Patuloy na panoorin ang tumitinding advance episodes ng “He’s Into Her Season 2” sa iWantTFC app (iOs at Android) o sa iWantTFC website (iwanttfc.com) kada Miyerkules, 8 PM. Available rin ito kada Linggo sa Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, at A2Z.
 
Mas madali nang manood sa iWantTFC gamit ang "watch now, no registration needed" feature nito. Mapapanood din ang iWantTFC sa mas malaking screen sa piling devices gaya ng VEWD, ROKU at Amazon Fire streaming devices, Android TV, piling Samsung Smart TV models, Telstra TV (available lamang sa Australia) para sa users sa labas ng Pilipinas, at VIDAA para sa piling mga bansa. Available na rin ang iWantTFC via Chromecast at Airplay. Para sa kumpletong listahan ng compatible devices, sign in instructions, at account activation, bisitahin ang https://iwanttfc.com/help#tfc-on-smart-tv.
 
Para sa updates, i-like ang www.facebook.com/iWantTFCo sundan ang @iwanttfc sa Twitter at Instagram, at mag-subscribe sa www.youtube.com/iWantTFC. Kung may mga katanungan naman, ipadala ang mga ito sa Facebook page ng iWantTFC o mag-e-mail sa support@iwanttfc.com