News Releases

English | Tagalog

Sam Concepcion at Shanaia Gomez, nagpapakilig muli sa "Ikaw Ang" music video

June 24, 2022 AT 11:45 AM

Mula sa trending “Diwata” music video, bumida naman ngayon si Sam Concepcion sa “Ikaw Ang” music video kasama ang rapper na si Yuridope at dating “PBB Kumunity Season 10” housemate na si Shanaia Gomez. Tampok sa nakakaindak na video si Sam na nahanap na sa wakas ang ‘diwata’ na si Shanaia na dati nang bumihag sa puso niya. Mula sa direksyon ni Edrex Sanchez ang MV na napapanood na ngayon sa Tarsier Records YouTube channel. Kumuha ng inspirasyon sa “Ikaw” ni Yeng Constantino ang kantang “Ikaw Ang” nina Sam, Yuridope, at music producer na si Moophs kung saan tampok din si Yeng.