News Releases

English | Tagalog

Pilot ng "A Family Affair" kinasabikan ng manonood, kagandahan ng Masbate ipinamalas

June 29, 2022 AT 04:32 PM

Trending sa social media at talagang pinag-usapan online ang "A Family Affair" nitong Lunes (Hunyo 27) dahil sa mala-intriga nitong kwento at pagpapakita ng kagandahan ng Masbate.

 

Ipinakita nga sa pilot episode ang taunang kompetisyon ng Rodeo kung saan kilala bilang Rodeo King si Paco (Gerald Anderson) samantalang abala naman si Cherry Red (Ivana Alawi) sa paghahanda para sa pyesta sa mansyon. Mas nakilala pa ng manonood ang matapang at ma-prinsipyong karakter ni Cherry Red nang sabihan siya ng kanyang tita na ginagampanan ni Ana Abad Santos na gamitin ang kanyang alindog para makuha ang isa sa mga magkakapatid na Estrella.

 

Nanindigan si Cherry Red at sinabing hindi siya ganoong klaseng babae. Pinaintindi niya sa kanyang tita na dapat nilang bigyang halaga ang kanilang mga sarili. "Wala po akong presyo, pero halaga meron, lahat tayo may halaga," saad ni Cherry Red.

 

Bukod dito, nabigyan din ng ideya ang mga manonood kung paano siya kinopkop ng mga Estrella at ang relasyon niya kay Dave (Sam Milby).Kaabang-abang na ang mga susunod na eksena sa pagbabalik na si Dave sa mansyon lalo pa at pursigido pa rin si Paco makuha ang pagmamahal ni Cherry Red.

 

Umani naman ng magagandang papuri ang palabas, ang mga artista nito, at kwento mula sa netizens kaya naman nag-trending ang #AFamilyAffair sa Twitter.

 

Ani ni @AlarbaAngie, "Ang ganda ng location plus ang gagaling ng mga cast lalong mahasa ang acting ni Ivana dito."

 

"First episode pa lang ng #AFamilyAffair naloka na ako! In all fairness nagustohan ko ang first episode, na-curious ako lalo sa pilot week.Pero isa lang masasabi ko, it's very refreshing to see a fresh face in Ivana Alawi as she takes on her first major role. Looks promising!" saad ni @LoveMaeUmali.

 

Ayon naman kay @chiemarielli na nanood na ng advance episodes sa iWantTFC, "Sinasabi ko sa inyo kaabang abang bawat ep ng AFA huhu ep 3 na ako sa iwant. Di ako mapakali gusto ko na mapanood yung next hahaha pag ako di nakatulog talaga nga naman #AFamilyAffair #AFAStrippingNow"

 

Huwag palampasin ang gumagandang kwento ng "A Family Affair" at mauna na itong panoorin sa iWantTFC app (iOs and Android) oiwanttfc.com48 oras bago ito umere sa telebisyon. Maari rin itong subaybayan tuwing Lunes hanggang Biyernes, 9:20PM sa Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, A2Z, Jeepney TV, TFC IPTV, at TV5.