News Releases

English | Tagalog

Jeepney TV, kikilalanin ang nagmarkang kapamilya shows at artists sa kauna-unahang “JTV Fan Favorites Awards”

June 29, 2022 AT 01:55 PM

Enggrandeng pagbabalik-tanaw sa pagdiriwang ng 10th anniversary ng Jeepney TV
 
Inihahandog ng Jeepney TV ang kauna-unahang “JTV Fan Favorite Awards” sa Oktubre bilang bonggang throwback celebration ng ika-10 taon ng paghahatid ng iconic Pinoy TV sa pamamagitan ng mga programa nito.
 
Magbabalik-tanaw ang “JTV Fan Favorite Awards: The Best of Kapamilya Entertainment” sa mga tumatak na ABS-CBN shows, mula noon hanggang ngayon, na umere sa Jeepney TV sa telebisyon o di kaya naman ay napanood sa Jeepney TV Facebook page o YouTube channel.
  

 
“Gusto naming bigyang-pugay ang mga hindi maliimutang programa at karakter na talaga namang patuloy na nagmamarka sa iba’t ibang henerasyon ng mga manonood,” sabi ni Jeepney TV channel head Cindy de Leon.
 
Maaaring bumoto ang fans sa iba’t ibang kategorya tulad ng hindi malilimutang teleserye, iconic lines, paboritong aktor o kontrabida, at iba pa simula Hulyo 16 (Sabado) sa Join Now Microsite, Facebook, at Tiktok. Malalaman na ang kumpletong listahan ng kategorya at pangalan ng mga nominado sa Biyernes (Hulyo 1).
 
Mapapanood naman ang gawad parangal live sa Oktubre 22 (Sabado), 9 PM sa Jeepney TV YouTube channel, Facebook, at Tiktok accounts. Magkakaroon din ito ng delayed telecast sa Jeepney TV.
 
Isa ang Jeepney TV sa pay TV channels sa ilalim ng ABS-CBN subsidiary na Creative Programs, Inc. Una itong napanood sa telebisyon noong Oktubre 22, 2012 at tuluyan nang naging favorite throwback channel sa bansa. Bukod sa Kapamilya shows, Pinoy movies, Asian drama, at cartoons, napapanood din dito ang ilan sa sarili nitong produksyon tulad ng “Biyaheng Retro,” “Showbiz Pa More!,” at “Kumu Star Ka.” Available ang channel sa SKY Cable ch. 9, Cignal ch. 44, GSat ch. 55, at SatLite ch. 37. 
 
Suportahan ang inyong paboritong Kapamilya programs at artists sa nalalapit na “JTV Fan Favorite Awards.” Para sa karagdagang impormasyon, bisitahin ang Jeepney TV Facebook page