News Releases

English | Tagalog

Donny at Belle, magkatuluyan pa kaya sa "He's Into Her" season 2?

July 29, 2022 AT 05:00 PM

Will DonBelle get their happy ending in "He's Into Her" season 2?

Will Max and Deib be able to rekindle their romance? Will the bearkada’s tight-knit friendship be able to overcome their issues?

Huwag palampasin ang finale episode sa iWantTFC sa Agosto 3…
 
May pag-asa pa kaya ang TagSen na magkaroon ng happy ending?

Hindi na matapos-tapos ang problemang kinahaharap nina Deib (Donny Pangilinan) at Max (Belle Mariano) na maaring maging mitsa ng pagtatapos ng kanilang relasyon sa nalalapit na finale episode ng record-breaking series na “He’s Into Her” season 2 sa iWantTFC. 

Matapos maghatid ng nag-uumapaw na kilig linggo-linggo bilang ang most streamed original series sa iWantTFC at most watched weekend program sa Kapamilya Online Live, inaabangan na ng fans kung ano ang magiging ending ng love story nina Deib at Max.

Tinutukan ng fans ang bawat episode kaya naman lagi itong trending sa social media. Ngayon naman ay pinaghahandaan na ng serye ang inaabangang “HIH: All-Access” finale concert sa Agosto 27 sa Araneta Coliseum, kung saan sold out agad ang VVIP at VIP tickets wala pang isang oras mula nang inilabas ito. 

Sa kasalukuyang takbo ng kwento sa serye, simula nang magcool-off sina Max at Deib ay dumagdag ang komplikasyon sa kani-kanilang buhay. Bagama’t napatunayan na nilang hindi si Boyet (Janus del Prado) ang suspek sa pagkakabaril sa kapatid ni Deib na si Dale (Turs Daza) ay minabuti ng dalawa na hindi muna magkabalikan. 

Mas titindi pa ang problemang kahaharapin nina Deib at Max sa biglang pagkamatay ni Dale. Labis ngang maapektuhan dito si Deib at pipiliin lumayo kay Max at sa iba pa nitong kaibigan. 

Dahil dito, magdadalawang-isip din si Deib sa pag-attend ng kanilang senior ball. Magkakaroon tuloy ng tsansa si Randall (Jeremiah Lisbo) na ayain ang dating kasintahan para maging date sa ball. 

Sa kabilang banda, marami pa rin gusot ang kailangan ayusin ng mga kaibigan nina Max at Deib bago ang kanilang pinaka-aasam na graduation. Pipilitin nina Lee (Joao Constancia) at Naih (Criza Taa) na ayusin ang kanilang hindi pagkakaunawaan sa kabila ng kanilang pagbe-break. Kahit naman nasasaktan sa biglang pagpanaw ni Dale, may pag-asa naman si Michiko (Kaori Oinuma) na makuha ang pinaka-iintay na closure mula kay Tob. 

Maayos pa kaya nina Deib at Max ang kanilang relasyon? Makuha pa kaya ng buong barkada na masabing ‘best time of their lives’ ang kanilang natitirang araw sa Benison High?

Mapapanood nang libre ang finale ng “He’s Into Her” season 2 sa Agosto 3 (Miyerkules) ng 8 PM sa iWantTFC app (iOs at Android) o website (iwanttfc.com).

Mas madali nang manood sa iWantTFC gamit ang "watch now, no registration needed" feature nito. Mapapanood din ang iWantTFC sa mas malaking screen sa piling devices gaya ng VEWD, ROKU at Amazon Fire streaming devices, Android TV, piling Samsung Smart TV models, Telstra TV (available lamang sa Australia) para sa users sa labas ng Pilipinas, at VIDAA para sa piling mga bansa. Available na rin ang iWantTFC via Chromecast at Airplay. Para sa kumpletong listahan ng compatible devices, sign in instructions, at account activation, bisitahin ang https://bit.ly/iWantTFC_TVDevices.

Para sa updates, i-like ang www.facebook.com/iWantTFC o sundan ang @iwanttfc sa Twitter at Instagram, at mag-subscribe sa www.youtube.com/iWantTFC. Kung may mga katanungan naman, ipadala ang mga ito sa Facebook page ng iWantTFC o mag-e-mail sa support@iwanttfc.com.