News Releases

English | Tagalog

Romnick at Cris, puring-puri sina Kathryn at Daniel

July 05, 2022 AT 03:54 PM

Gloria Diaz, pinagsususpetsahan si Daniel...

ROMNICK AT CRIS, PURING-PINA SINA KATHRYN AT DANIEL

 

Lubos na pinuri nina Romnick Sarmenta, Cris Villanueva, at iba pang cast members ng "2 Good 2 Be True" ang bida ng serye na sina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla sa pagiging magagaling nilang aktor at pagiging professional na mga katrabaho.

 

Ani nga ng dating matinee idol, “Bilang tatay, naaaliw ako sa kanilang dalawa. Iniisip ko minsan, kung sino man sa kanila ang anak ko, matutuwa ako. Sila magkasama most of the times dahil nagsusuportahan sila. Nag-aalagaan silang dalawa.

 

"Pagdating sa hotel, nakikita namin wala silang pinipili na kasama. May mga nakita na rin kasi ako sa trabaho na iwas sa iba. Walang ganun sa KathNiel,”dagdag pa ni Romnick na gumaganap bilang tatay ni Eloy (Daniel) na si Fred.

 

Sang-ayon din si Cris na gumaganap naman bilang Capt. Rosales sa sinabi ni Romnick. Bukod nga raw sa pagiging magaan nitong katrabaho, bilib na bilib siya sa pagportray nina Kathryn at Daniel sa kani-kanilang karakter.

 

"Agree ako sa lahat ng sinabi ni Romnick.Maganda na yung script tapos the way they are doing it, mapapaniwala ka talaga. Yung pagiging matulungin naman ni Eloy, nakikita talaga namin sa kanya (DJ). Aalamin niya yung problema at ita-try niyang gawan ng paraan. Idi-discuss niya in real life. Magaan sila ka-trabaho," saad ni Cris.

 

Honored at blessed naman sina Matt Evans, Gillian Vicencio, Bianca de Vera, Pamu Pamorada, at Alyssa Muhlachna mapabilang sa hit serye at makasama ang KathNiel.

 

Samantala, tuloy tuloy naman ang pagtre-trend at pagiging number 1 series ng "2 Good 2 Be True" sa iWantTFC at consistent din silang nasa top 2 ng Netflix Philippines.Kapit na kapit na ang viewers sa serye lalo pa at mukhang nagkakalapit na ang loob nina Ali at Eloy sa isa't isa.

 

 

Kahit pa nga napilit nilang papuntahin si Hugo (Ronaldo Valdez) sa taunang stockholders' meeting, patuloy pa rin ang suspetya ng board members pati na si Jill (Alyssa) sa kondisyon ng may-ari ng Horizon Grand.

 

Sa susunod na episodes, gagawin nga nina Ali at Eloy lahat para tulungan itago ang tunay na sakit ni Hugo. Ngunit magiging mahirap ito sa dalawa lalo pa at pina-iimbestigahan na ni Helena (Gloria Diaz) ang pagpasok ni Eloy sa buhay ng kanyang kuya. Bakit kaya mainit ang dugo ni Helena kay Eloy? Ano kaya ang koneksyon ni Helena kina Eloy at Fred?