News Releases

English | Tagalog

Kakalabas lang na "Darna" trailer, umani agad ng 4 million views

July 08, 2022 AT 05:10 PM

"Darna" official trailer earns 4 million views in less than 24 hours

The hashtag #DarnaTrailer also topped Twitter PH's trending list immediately after the 3-minute clip dropped on social media.

“Darna” stars Jane, Joshua, at Zaijian, bibisita sa TOYCON ngayong Linggo

Talaga namang todo na ang excitement para sa nalalapit na “Mars Ravelo’s Darna” series ng ABS-CBN Entertainment dahil sa umani agad ng pinagsamang 4 million views sa social media at sunod-sunod na papuri mula sa netizens ang official trailer nito na inilabas noong Huwebes (July 7) ng gabi.
 
Pumalo agad sa 1 milyong views sa Facebook apat na oras simula nang in-upload ang 3-minute video clip at patuloy na pinapanood ng netizens kaya’t meron na itong higit sa 3 million views wala pang isang araw nang ito ay ilunsad. Meron na rin itong higit sa 700,000 views sa Twitter at 700,000 views din sa YouTube sa kasalukuyan.
 
Tampok sa inaabangang trailer ang pasilip sa buhay ni Jane De Leon bilang Narda, ang pag-eensayo niya kasama ang First Darna at ina na si Leonor na ginagampanan ni Iza Calzado, at ang karanasan ni Narda tungo sa pagiging makabagong Darna. Napanood ito pagkatapos ng TV Patrol at uploaded din sa social media accounts ng ABS-CBN Entertainment.
 
Nanguna naman ang hashtag #DarnaTrailer sa trending list ng Twitter Philippines at patuloy na nagttrend sa kasunod na araw. Kasama rin sa mga pinag-usapan sa Twitter sina Joshua Garcia, Janella and Valentina, at Iza Calzado.
 
Umani rin ng positibong reaksyon ang trailer sa social media. Sabi ni Twitter user @lovemeorhateme, “Ganda…pinaghandaan tlga… worth it sa paghihintay sa #Darna.” Ayon naman kay @pcspaule, “Iba din ang #DarnaTrailer. Aabangan ito. Jane De Leon is perfect for the role, galing ng casting. Ang Iza Calzado, wow!”
 
Nakasungkit din ng maraming papuri ang trailer sa Facebook dahil sa bigating visuals na ipinakita nito. Comment ng KPex Official, “All the hype leading to this trailer makes sense. The cinematic visuals, the intense drama, the handsomely-choreographed action sequences, & the entire new vision of this new adaptation simply make Darna extra-ordinary.”
 
Binigyan din ang trailer ng thumbs up ng netizens sa YouTube at pinuri ang karakter ni Narda. Sabi ni Master Bait, “Narda pa lang palaban na… not the usual Narda na mahirap, mahina, may kapansanan…the modern Narda . . . And this series really gives our frontliners their time to shine!”
 
Isang araw bago inilunsad ang nasabing trailer, pinag-usapan din sa social media ang “mala-Hollywood” teaser poster ng Darna na tagumpay sa paghiyakat na abangan ang latest sa programa. Sabi ni Dan Ramirez sa Facebook, “Can we talk about this Hollywood caliber poster??? ABS-CBN ate and left no crumbs???? The Darna silhouette!??? The snake foreshadowing Valentina??!!? The ruins resembling Darna’s head dress?!?!”
 
Nakatakda nang ipalabas ang serye sa Agosto. Pinangungunahan ito ni Master Director Chito S. Roño kasama ang iba pang director na sina Avel Sunpongco at Benedict Mique sa ilalim ng JRB Creative Production unit ng ABS-CBN.
 
Samantala, mauunang lumipad si Jane patungong TOYCON PH 2022 kasama ang co-stars niyang sina Joshua Garcia at Zaijian Jaranilla. Bibisita sila sa huling araw nito sa Linggo (July 10), 2:30 pm sa Megatrade Hall ng SM Megamall. 
 
Alamin ang latest sa “Darna,” sundan ang JRB Creative Production sa Facebook at Twitter @JRBcreativeprod at sa Instagram @JRBcreativeproduction. Para sa iba pang balita tungkol sa ABS-CBN, i-follow ang @ABSCBNPR sa Facebook, Twitter, Instagram, at Tiktok o pumunta sa www.abs-cbn.com/newsroom.