News Releases

English | Tagalog

Misteryosong sakit, iimbestigahan ni Noli sa "KBYN: Kaagapay ng Bayan"

July 08, 2022 AT 11:31 PM

Mystery illness that crippled three brothers investigated in "KBYN: Kaagapay ng Bayan"

After being unable to walk for over two decades, three brothers from Tagkawayan, Quezon finally know the truth behind their mysterious ailment with the help of Kabayan Noli De Castro in “KBYN: Kaagapay ng Bayan” this Sunday (July 10).

Kabayan, itinampok ang success story ng isang goat farmer 
 

Matapos ang higit dalawang dekadang pag iinda ng pagkalumpo, malalaman na ng tatlong magkakapatid mula sa Tagkawayan, Quezon ang katotohanan sa likod ng kanilang misteryosong sakit sa tulong ni Kabayan Noli de Castro sa “KBYN: Kaagapay ng Bayan” ngayong Linggo (Hulyo 10). 

Sa labing isang magkakapatid, sina Manolito, PJ, at Ramil ang pawang minalas na dinapuan ng hindi maipaliwanag na sakit na naging dahilan upang hindi sila makalakad. 

Dinala ni Kabayan ang magkakapatid na Mendoza sa isang espesyalista na tumulong sa kanila upang maipaliwanag ang karamdaman at kung may pag-asa pa bang makalakad silang muli.  

Samantala, bumisita rin ang beteranong mamamahayag sa isang farm ng kambing at tupa sa Gerona, Tarlac. Nalaman ni Kabayan kung paano sinimulan ni Jeffrey Lim ang JSJ Goat Farm na dati ay meron lamang anim na kambing at kung paano nito pinalago ang kanyang negosyo. 

Huwag palampasin ang mga kwentong ito sa “KBYN: Kaagapay ng Bayan,” tuwing Linggo, 5 pm bago ang “TV Patrol Weekend” sa Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, news.abs-cbn.com/live, ABS-CBN News' Channel sa YouTube, TeleRadyo, at A2Z. 

Para sa karagdagang balita, sundan ang @ABSCBNPR sa Facebook, Twitter, Instagram, at Tiktok o bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom