News Releases

English | Tagalog

ABS-CBN, umani ng tatlong nominasyon sa 2022 ContentAsia Awards

August 12, 2022 AT 08:33 PM

ABS-CBN bags three nominations in 2022 ContentAsia Awards

ABS-CBN earned three nominations in the prestigious ContentAsia Awards 2022 that celebrates the best of local production in Asia.

Jodi, lalaban sa Best Actress sa Asya

Nakasungkit ang ABS-CBN ng tatlong nominasyon sa prestihiyosong ContentAsia Awards 2022 na  layuning ipagdiwang at kilalanin ang galing ng local production sa Asya.  

Kabilang sa listahan ng mga nominado para sa Best TV Format Adaptation (Scripted) in Asia ang hit series na “The Broken Marriage Vow” kasama ang iba pang nominado mula sa Thailand at Hong Kong. 

Nakatanggap din ng nominasyon ang lead star na si Jodi Sta. Maria sa Best Female Lead in a TV Programme kabilang ang mga aktor mula sa Malaysia, Thailand, at Taiwan. 

Samantala, nasa listahan din ng mga nominado para sa Best Asian Comedy Show ang “My Papa Pi” nina Piolo Pascual at Pia Wurtzbach na lalaban sa mga nominado naman mula sa Thailand, Malaysia, Indonesia, at Taiwan. 

Gaganapin ang awarding ceremony sa Agosto 26 (Biyernes) sa Bangkok, Thailand na magkakaroon ng livestream sa Facebook. Pagmamay-ari ang ContentAsia Awards ng ContentAsia, isang information platform na handog ang balita at impormasyon tungkol sa Asian content. 

PHOTOS

DOWNLOAD ALL 4 PHOTOS FROM THIS ARTICLE