News Releases

English | Tagalog

"He's Into Her" finale concert, ipapalabas sa iWantTFC, KTX.ph

August 15, 2022 AT 01:20 PM

"He's Into Her" finale concert to stream on iWantTFC, KTX.ph

Those who will not be able to watch live at the Araneta Coliseum can still watch the concert, led by Donny Pangilinan and Belle Mariano, by purchasing tickets on iWantTFC and KTX.ph.

BINI, BGYO, at iba pa, magpapakilig kasama ang DonBelle

Pwede nang manood ng “HIH All Access: The He’s Into Her Grand Finale Concert” nina Donny Pangilinan at Belle Mariano saan man sa mundo dahil available na ito sa iWantTFC at KTX.ph.

Para sa fans na hindi makakapunta sa concert sa Araneta Coliseum sa Agosto 27, pwede pa rin manood online sa livestreaming kapag bumili ng tickets sa iWantTFC o KTX.ph hanggang Agosto 27 ng 8:15 PM (Manila time).

Makakabili na ng tickets sa iWantTFC sa halagang P299 o US$5.99 para sa subscribers sa Pilipinas at Indonesia, habang available rin ito para sa iWantTFC premium subscribers sa ibang mga bansa. Para naman sa KTX.ph, available worldwide ang tickets sa halagang P299 o US$5.99.

Kaabang-abang ang mga kilig performances dahil bukod sa Donbelle at iba pa nilang “He’s Into Her” co-stars, may pasabog na mga sorpresa din ang special guests na sina SAB, Trisha Denise, Jon Guelas, Zion Aguirre, Nameless Kids, at ang P-pop groups na BINI at BGYO. 

Siguradong siksik sa saya, kilig, at sorpresa ang finale concert, bilang handog ng “HIH” sa kanilang fans pagkatapos ng matagumpay na ikalawang season ng serye. Napapanood pa rin ang lahat ng episodes sa iWantTFC. 

Samantala, makakabili pa rin ng tickets para sa concert sa Araneta Coliseum dahil available pa ang lower box (P1,000), upper box (P500), at gen ad tickets (P200) sa ticketnet.com.ph.

Huwag palampasin ang “HIH All Access: The He’s Into Her Grand Finale Concert” at bumili na ng tickets sa iWantTFC at KTX.ph. 

Para sa updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, TikTok, at Instagram o bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom