News Releases

English | Tagalog

MPBL, mapapanood na rin abroad sa iWantTFC

August 19, 2022 AT 12:26 PM

MPBL streams abroad via iWantTFC starting August 20

In partnership with Pilipinas Global Network Limited (PGNL) anew, ABS-CBN Global continues to deliver more world-class Pinoy sports content to Filipino audiences abroad with the MPBL on iWantTFC

Libreng mapapanood nang live at on-demand simula Agosto 20

Ang liga ng bawat Pilipino, mapapanood na rin sa iba't ibang dako ng mundo dahil simula Agosto 20 (Sabado), ipapalabas nang libre abroad ang mga matitinding bakbakan sa hardcourt sa Maharlika Pilipinas Basketball League (MPBL), live at on-demand sa iWantTFC.

Hatid muli ito ng ABS-CBN Global, sa pakikiisa ng Pilipinas Global Network Limited (PGNL), sa Pinoy sports fans overseas matapos patuloy na ipalabas din abroad ang UAAP at PBA sa iWantTFC nitong taon.

Unang tinatag ng Pambansang Kamao na si Manny Pacquiao noong 2017, layunin ng MPBL na bigyang pagkakataon ang mga nangangarap na manlalaro na maipamalas ang kanilang talento sa harap ng libo-libong Pilipino.

Tampok din sa ika-apat na taon nito ang 22 na koponan mula sa Luzon, Visayas, at Mindanao na maglalaban-laban para mahirang bilang bagong national champion ng liga.

Mapapanood ang unang global coverage nito sa darating na Sabado live na live mula Pampanga simula 5 PM PH Time, tampok ang sagupaan ng Bacolod Bingo Plus at Rizal EMKAI Xentromall, na susundan din ng tapatan ng Mindoro Tams Idol Cheesedog kontra GenSan Warriors, at ng pagbisita ng Imus City Bandera sa homecourt ng Pampanga Giant Lanterns.

Abangan sina Kyt Jimenez, Domark Matillano, Mark Yee, Yves Sazon, Marcy Arellano, Gerald Anderson, at iba pa sa pagpapatuloy ng Mumbaki Cup ng MPBL, na ipapalabas nang libre, live at on-demand sa iWantTFC para sa mga viewer at subscriber sa labas ng bansa.

Mapapanood din ng mga Pinoy abroad ang mga nagdaang laro ng UAAP sa UAAP Varsity Channel (para sa mga subscriber sa labas ng PH), at ang PBA Philippine Cup Finals (para sa mga subscriber sa labas ng PH at US) sa iWantTFC Premium.

Maaaring i-access ang iWantTFC sa website nito (iwanttfc.com) o sa official app nito sa iOS, Android, at smart devices tulad ng VEWD, ROKU, Amazon Fire, at sa ilang Android smart TVs.

I-follow rin ang iWantTFC sa Facebook (fb.com/iWantTFC), Twitter, at Instagram (@iwanttfc) para maging updated sa schedule ng mga laro.

Para sa updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, TikTok, at Instagram o bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom.

 

MPBL DEBUT COVERAGE ON iWantTFC SCHEDULE
INT'L AREAS 5 PM PHT Bacolod vs. Rizal 7 PM PHT Mindoro vs. GenSan 9 PM PHT Imus City Vs. Pampanga
US/Canada West | US/Canada East 2:00 AM | 5:00 AM​ 4:00 AM | 7:00 AM​ 6:00 AM | 9:00 AM​
London | Rome 10:00 AM | 11:00 AM​ 12:00 PM | 1:00 PM​ 2:00 PM | 3:00 PM​
Saudi Arabia | Dubai 12:00 PM | 1:00 PM​ 2:00 PM | 3:00 PM​ 4:00 PM | 5:00 PM​
Hong Kong | Japan 5:00 PM | 6:00 PM​ 7:00 PM | 8:00 PM​ 9:00 PM | 10:00 PM​
Sydney | New Zealand 7:00 PM | 9:00 PM​ 9:00 PM | 11:00 PM​ 11:00 PM | next day 1:00 AM​