News Releases

English | Tagalog

"Bida Star" ng ABS-CBN, may bagong pakulo sa ikalimang edition

August 24, 2022 AT 12:17 PM

Mas pina-level up ang competition sa pagbabalik ng online talent search ng ABS-CBN na "Bida Star" sa Bida Star Versus kung saan makakasama magsisilbing hosts sina Karina Bautista at Anji Salvacion pati na ang former "PBB" housemate na si Benedix Ramos sa darating na Setyembre 5.

 

Asahan nga ang mas matitinding hamon at pakulo ang dapat abangan ng manonood sa "Bida Star Versus" kung saan maglalaban-laban ang mga kalalakihan sa mga kababaihan.

 

"'Bida Star Versus' allows anyone to be part of the contest kahit hindi ka part ng kahit anong talent agency or wala kang formal training. They will hone your talents. 'Bida Star Versus' will help you reach your artista dreams," sabi ni Benedix.

 

Ayon naman kay Karina, malayo na ang narating ng Bida Star simula sa unang season nito at napapanood na rin ito sa kumu, Facebook, at Tiktok. Binahagi rin niya ang dapat abangang mga pakulo ngayong edition tulad ng Live Callbacks kung saan ang unang batch ng auditionees ay magpe-perform live sa kumu at may tsansa makakuha ng spot sa Top 40, at Bida challenges, themed challenges ito kung saan iu-upload ito ng contestants sa sari-sarili nilang Tiktok accounts at may katumbas na vote points.

 

 "If you don't start now, when? Right now, has never happened before, and now will never come again. Just believe in yourself and take that first step. Kasi marami ang nangarap pero takot sila magtake ng step. This is a sign to take that step," pagbabahagi naman ni Anji,

 

Gagabayan naman ang mapipiling contestants ng mga huradong sina Star Magic Workshops Head at Acting Mentor na si Rahyan Carlos, unit head ng "Pinoy Big Brother" na si Marcus Vinuya, at isang weekly celebrity guest judge mula Star Magic.Bongga naman ang mauuwing premyong ng Ultimate Bida Star sa edition na ito, kasama dito ang ABS-CBN management contract, Star Magic Workshop Scholarship, guesting sa iba't ibang digital shows ng ABS-CBN, tsansa na mapabilang sa isang proyekto ng PIE channel, at cash prize na P50,000.

Sa mga nakaraang apat na edition ay nakapagbigay daan "Bida Star" para tuparin ang pangarap ng mga Pilipinong may natatanging talento sa pag-arte katulad nina Dustine Mayores na dating "PBB" kumunity season 10 teen housemate at Ruth Paga na isang ganap na host sa PIE channel.

 

Para sa updates tungkol sa patuloy na auditions ng “Bida Star Versus” i-follow lang ang Star Hunt sa Facebook (@starhuntabscbn), Kumu (@starhuntabscbn), Twitter (@starhuntabscbn), Instagram (@starhuntabscbn), at Tiktok (@starhuntabscbn). Abangan ang pagsisimula ng "Bida Star Versus" sa darating na Setyembre 5 sa kumu at Facebook page ng Star Hunt.