News Releases

English | Tagalog

Loisa, buhay pa sa "Love in 40 Days"

August 31, 2022 AT 06:07 PM

Loisa is still alive in "Love in 40 Days"

Who is the mastermind behind Jane’s incident? Will Jane survive her coma and be able to fix her relationship with Edward?

Relasyon ng LoiNie, nanganganib…

Buhay pa pala si Jane (Loisa Andalio)!

Sa wakas ay nabunyag na ang katotohanan na hindi pa namamatay si Jane at naka-comatose lang pala ito sa “Love in 40 Days,” na napapanood gabi-gabi sa Kapamilya Channel, A2Z, at TV5. 

Laking gulat ng multo ni Jane nang makita niyang nakahiga siya sa isang kama at ginagamot ng kanyang pamilya sa isang tagong mansyon. Akala kasi ng lahat na pumanaw na siya pagkatapos niyang maaksidente noong isang buwan. 

Sunod-sunod pa ang mga pasabog na rebelasyon dahil nalaman na rin ni Jane na hindi aksidente ang nangyari sa kanya at may gusto talagang pumatay sa kanya. Habang magulo pa ang isipan ni Jane dahil sa kanyang mga natuklasan, pati ang relasyon niya kay Edward (Ronnie Alonte) ay madadamay na rin. 

Kahit inamin nilang mahal nila ang isa’t isa, pinagdududahan na ni Jane si Edward kung may kinalaman ba ito sa tangkang pagpatay sa kanya. Sa imbestigasyon sa insidente ni Jane, mukha kasing kasabwat ang Heaven’s Gate, ang funeral homes na pagmamay-ari ng pamilya ni Edward.

Sino ang gustong pumatay kay Jane? Maaayos pa ba nina Jane at Edward ang kanilang relasyon?

Huwag palampasin ang “Love in 40 Days,” gabi-gabi sa Kapamilya Channel, A2Z, TV5, iWantTFC, at Kapamilya Online Live sa YouTube channel at Facebook page ng ABS-CBN Entertainment. I-rescan lang ang anumang digital TV box na ginagamit sa bahay, gaya ng TVplus box, para mapanood sa TV5 at A2Z ang mga bagong episode ng “Love in 40 Days.” Mapapanood din ito sa labas ng Pilipinas sa pamamagitan ng iWantTFC at The Filipino Channel (TFC) sa cable at IPTV.

Para sa updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, TikTok, at Instagram o bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom