News Releases

English | Tagalog

Gerald, Jake, Jameson, at Sam, nagkasundo sa pagsisinungaling kay Ivana

September 14, 2022 AT 03:20 PM

Nagka-isa na sina Paco (Gerald Anderson), Seb (Jake Ejercito), Drew (Jameson Blake), at Dave (Sam Milby) para paniwalain si Cherry (Ivana Alawi) na wala itong sulat na nabasa tungkol sa ginawang pagpatay ni Freddie (Edu Manzano) sa nanay nito. Kahit nakokosensya sa gagawin, mas minabuti ng apat na itago ang katotohanan kay Cherry para hindi ito mawala sa kanila at hindi mawala ang kanilang reputasyon at kayamanan. Abangan nga sa mga susunod na episode kung magtagumpay ang pagtatakip nila ng katotohanan. Huwag palampasin ang kapanapanabik na kwento ng "A Family Affair" at subaybayan tuwing Lunes hanggang Biyernes, 9:20PM sa Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, A2Z, Jeepney TV, TFC IPTV, TV5, at iWantTFC.