News Releases

English | Tagalog

Loisa, gising na!

September 16, 2022 AT 01:12 PM

Loisa wakes up from coma, reunites with Ronnie in "Love in 40 Days"

Will Jane and Edward’s love be able to survive their endless trials? Will Edward forgive Andrea for her evil crimes?

Gising na si Jane (Loisa Andalio) at hindi na siya multo!

Wala na sa coma si Jane kaya pwede na niyang gawing “official” ang relasyon niya kay Edward (Ronnie Alonte) pagkatapos nilang mag-aminan ng feelings sa “Love in 40 Days,” na napapanood gabi-gabi sa Kapamilya Channel, A2Z, at TV5. 

Hindi na hadlang sa pag-ibig nina Edward at Jane ang pagiging multo nito noon dahil nakakapag-usap sila ng normal at nahahawakan na nila ang isa’t isa. Bago pa man magising si Jane, nangako na rin sila na habambuhay nilang mamahalin ang isa’t isa.

Ngunit nasa matinding panganib ang kanilang relasyon. Nadadala na kasi sa kahibangan ang ex-girlfriend ni Edward at kapatid sa ama ni Jane na si Valerie (Zabel Lamberth), kaya determinado siyang paghiwalayin sila at tinangka niya na ring patayin si Jane. 

Sunod-sunod pa ang kanilang mga pagsubok kapag nalaman nilang kasabwat pala si Andrea (Mylene Dizon), ang ina ni Edward, sa isang malaking insurance scandal. Matagal nang nakikipagtulungan si Andrea kay Marco (Ahron Villena), isang boss ng insurance agency na may matinding galit kay Jane, upang magnakaw ng malaking halaga ng pera. 

Maaari ring may kinalaman si Andrea sa tangkang pagpatay kay Jane noon. Malalagpasan kaya nina Jane at Edward ang mga problema? Mapapatawad ba ni Edward si Andrea kapag nalaman niya ang mga krimen nito?

Huwag palampasin ang “Love in 40 Days,” gabi-gabi sa Kapamilya Channel, A2Z, TV5, iWantTFC, at Kapamilya Online Live sa YouTube channel at Facebook page ng ABS-CBN Entertainment. I-rescan lang ang anumang digital TV box na ginagamit sa bahay, gaya ng TVplus box, para mapanood sa TV5 at A2Z ang mga bagong episode ng “Love in 40 Days.” Mapapanood din ito sa labas ng Pilipinas sa pamamagitan ng iWantTFC at The Filipino Channel (TFC) sa cable at IPTV.

Para sa updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, TikTok, at Instagram o bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom.

PHOTOS

DOWNLOAD ALL 4 PHOTOS FROM THIS ARTICLE