News Releases

English | Tagalog

Abangan ang mga maagang pamasko mula kina Iñigo, BGYO, SB19 at iba pa live sa 'ASAP Natin 'To'

September 02, 2022 AT 10:00 PM

Catch 'ber' month surprises from Iñigo, BGYO, SB19, and more live this Sunday on 'ASAP Natin 'To'

Catch the ASAP return of one of the most sought-after singing heartthrobs today

May duet tapatan din ang ASAP icons at New Gen Birit Idols

'Ber' months na at may inihandang mga maagang pamasko ang inyong paboritong Kapamilya stars live na live ngayong Linggo (Setyembre 4) sa "ASAP Natin 'To" sa Kapamilya Channel, A2Z, at TV5.

Pakatutukan ang inaabangang ASAP comeback ng Kapamilya singing heartthrob na si Iñigo Pascual, habang may back-to-back P-Pop pasabog pa ang BGYO at SB19.

Damhin nang maaga ang Pasko sa Christmas hits sayawan at kantahan nina Enchong Dee, Kyle Echarri, Jason Dy, Nyoy Volante, Karina Bautista, Krystal Brimner, Vivoree, Joao Constancia, Jin Macapagal, Jeremy G, Jameson Blake, Edward Barber, BINI, at ng buong "ASAP Natin 'To" family kasama sina Robi Domingo at Luis Manzano.

May mainit na dance showdown naman sina Chie Filomeno at ASAP dance royalty na si Kim Chiu kasama ang D'Grind, habang hindi rin pahuhuli sa hatawan sina AC Bonifacio at Maymay Entrata.

Maki-awit din sa Olivia Rodrigo hits kantahan nina Zsa Zsa Padilla, Regine Velasquez, Alexa Ilacad, Anji Salvacion, Loisa Andalio, Klarisse de Guzman, at Gigi de Lana.

Abangan din ang trio performance nina Darren, Morissette, at Concert King Martin Nievera, at ang espesyal na musical act mula sa next-generation hitmaker na si Paolo Sandejas kasabay sina Moira dela Torre at Janine Berdin.

At pakatutukan ang bonggang duet tapatan nina Gary Valenciano, Zsa Zsa Padilla, Gigi de Lana, Jed Madela, Ogie Alcasid, at Regine Velasquez kasama ang New Gen Birit Idols na sina Reiven Umali, Fana, Elha Nympha, JM Yosures, Sam Mangubat, at Sheena Belarmino sa "The Greatest Showdown."

Huwag palampasin ang mga maagang pamaskong handog ng longest-running musical variety show sa bansa, ang "ASAP Natin 'To," live na live ngayong Linggo, 12 ng tanghali sa local TV sa Kapamilya Channel, Jeepney TV, A2Z, at TV5, online sa Kapamilya Online Live at iWantTFC, at worldwide via TFC.

Para mapanood ito sa TV5 at A2Z, i-rescan lang ang digital TV box na ginagamit sa bahay, gaya ng TVplus.

Para sa updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, TikTok, at Instagram o bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom.