News Releases

English | Tagalog

Babaeng ahas na si Valentina, umatake na sa “Mars Ravelo’s Darna”

September 02, 2022 AT 12:19 PM

Naganap na ang inaabangang transformation ni Janella Salvador bilang Valentina, ang babaeng ahas na magiging mortal na kaaway ni Darna sa “Mars Ravelo’s Darna.” Unang napanood si Valentina noong Huwebes (Sept. 1), kung saan pinatay niya ang kriminal na si Bautista para pagtakpan ang ginawang kasalanan. Nag-trending naman bilang no. 2 sa Twitter ang #DarnaValentina na may halos 16,000 tweets. Napapanood ang “Darna” Lunes hanggang Biyernes, 8 pm sa Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, CineMo, A2Z, at TV5. Available din ito sa iWantTFC at TFC.