News Releases

English | Tagalog

Pinakapaboritong aktor at aktres ng mga manonood, papangalanan ng Jeepney TV Fan Favorite Awards

September 26, 2022 AT 11:45 AM

Fave lead actor, actress to be named in Jeepney TV Fan Favorite Awards

#JTVAwards will also give recognition to fans' Fave Love Triangle and Love Affair Triangle.

Aling love triangle at affair kaya sa telebisyon ang pinakatumatak?
 
Kikilalanin na ang mga hindi malilimutang bida sa mga teleserye, love triangle, at love triangle affair sa Jeepney TV Fan Favorite Awards na nagbibigay pugay sa mga ‘di malilimutang Kapamilya program at mga natatanging pagganap sa telebisyon sa nagdaang dekada.
 
 
 
Sina Angel Locsin, Angelica Panganiban, Bea Alonzo, Claudine Barretto, Janella Salvador, Judy Ann Santos, Julia Montes, Jodi Sta. Maria, Kathryn Bernardo, at Liza Soberano ang kabilang sa mga nominado sa kategoryang “Fave Lead Actress” dahil sa kanilang mga tumatak na karakter sa iba’t ibang serye ng ABS-CBN.
 
Samantala, kabilang naman sina Albert Martinez, Carlo Aquino, Coco Martin, Daniel Padilla, Enrique Gil, Gerald Anderson, Ian Veneracion, at Jericho Rosales sa mga maglalaban-laban para sa “Fave Lead Actor” award kung saan nominado rin sina John Lloyd Cruz, Joshua Garcia, JM de Guzman, Paulo Avelino, Piolo Pascual, Sam Milby, at Zanjoe Marudo.
 
Maglalaban-laban naman ang mga bida ng “Rubi,” “Kadenang Ginto,” “Pangako Sa’Yo” (original and remake), “Ngayon at Kailanman, “Walang Hanggan,” “Princess and I,” “Tayong Dalawa,” “Wildflower,” at “On The Wings Of Love” para sa “Fave Love Triangle” award.
 
Pwede ring bumoto ang fans para sa “Love Affair Triangle” na talaga namang tumatak sa kanila mula sa mga programang “The Legal Wife,” “Tubig At Langis,” “Ang Sa Iyo Ay Akin,” “The Broken Marriage Vow,” Two Wives,” The Better Half,” at “Init Sa Magdamag.” 
 
Maaari nang bumoto para sa pinakahuling grupo ng kategorya kasama ang Fave Lead Actor, Lead Actress, Love Triangle, at Love Affair Triangle awards sa JoinNowJeepney TV Fans Facebook group, at TikTok hanggang Oktubre 8 (Sabado). Tuloy pa rin ang botohan para sa “Fave Kapamilya Serye Iconic Lines,” “Fave Kontrabida,” at “All-Time Favorite Loveteam” hanggang Oktubre 8.
 
Papangalanan ang mga magwawagi sa isang virtual awarding ceremony sa darating na Oktubre 22 kasabay ng pagdiriwang ng ika-10 anibersaryo ng Jeepney TV. 
 
Suportahan ang inyong paboritong Kapamilya teleseryes at stars sa pamamagitan ng pagboto sa “Jeepney TV Fan Favorite Awards”! Available ang Jeepney TV sa SKY Cable ch. 9, Cignal ch. 44, GSat ch. 55, at SatLite ch. 37. Para sa iba pang detalye, sundan ang Jeepney TV sa FacebookTwitterInstagram, at TikTok, at mag-subscribe sa YouTube channel nito.