News Releases

English | Tagalog

Daniel at Kathryn,magkasamang papasukin ang bagong mundo sa "2 Good 2 Be True"

September 28, 2022 AT 02:35 PM

Panibagong mga pagsubok ang kakaharapin ng bagong magkasintahan na sina Eloy (Daniel Padilla) at Ali (Kathryn Bernardo) para protektahan si Lolo Hugo (Ronaldo Valdez) sa mga pina-plano ni Helena (Gloria Diaz) sa bagong yugto ng "2 Good 2 Be True." Kasabay ng pagtanggap ni Eloy bilang chairman ng Horizon Grand, nalaman din nila na posibleng si Helena ang mastermind sa paninira sa buhay ni Lolo Sir. Alamin kung paano nila mahahanapan ng butas si Helena at mapagbayaran ang kanyang mga kasalanan. Samantala, nagpasalamat naman ang KathNiel sa patuloy na suporta ng kanilang fans nang ipinagdiwang nila ang ika-11 anibersaryo bilang loveteam nitong Lunes (Set. 26). Patuloy na i-stream ang "2 Good 2 Be True" ngadvance sa Netflix Philippines o iWantTFC. Maari rin ito subaybayan sa A2Z, Kapamilya Channel, TV5, Kapamilya Online Live on Facebook at YouTube, Jeepney TV, at TFC IPTV.