News Releases

English | Tagalog

Gerald, nalamang si Jameson ang pumatay sa ama ni Ivana

September 03, 2022 AT 02:06 PM

Hubaran na ng mga sikreto! Isang pasabog ang nakagulantang sa viewers nang mapanood nila ang inilabas na midseason trailer ng ng "A Family Affair" kung saan nakita ang pag-iiba ni Cherry Red bilang Cherry Black sa kanyang pagsisimula ng paghihiganti sa mga Estrella.

 

Sa episode nitong Biyernes (Set. 2), umabot sa sukdulan ang galit na naramdaman ni Paco (Gerald Anderson) nang marinig niya mismo sa bibig ni Dave (Sam Milby) ang katotohanang na si Drew (Jameson Blake) ang pumatay sa tatay ni Cherry Red (Ivana Alawi).

 

Agad nga niyang pinatawag si Drew at pinilit din paaminin sa ginawang kasalanan. Ngunit hindi naman nagtagal ang kanilang diskusyon lalo pa at nasa panganib pa rin ang buhay ni Dave at Cherry na kinidnap ng tiyahin ni Tori (Heaven Peralejo). Sa ngayon nga ay desidido lang munang maiuwi ni Paco ang asawa at kapatid bago magdesisyon sa sasapitin ni Drew.

 

Sa kabilang banda, mukhang makakatakas naman sina Dave at Cherry sa mga kumidnap rito nang tulungan sila ni Tori.

 

Abangan din sa susunod na mga linggo ang pagsambulat pa ng ilang sikreto ng magkakapatid tulad ng sex scandal ni Seb (Jake Ejercito) at ang posibleng pagtalon ni Drew sa bangin.

 

Huwag palampasinang kapanapanabik na kwento ng "A Family Affair"at mauna na itong panoorin sa iWantTFCapp (iOsandAndroid) o iwanttfc.com48 oras bago ito umere sa telebisyon. Maari rin itong subaybayan tuwing Lunes hanggang Biyernes, 9:20PM sa Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live,A2Z, Jeepney TV, TFC IPTV,at TV5.