News Releases

English | Tagalog

Christian Bables, lumitaw bilang 'killer ghost' sa "Mars Ravelo's Darna"

September 06, 2022 AT 12:55 PM

Christian Bables surfaces as 'killer ghost' in "Mars Ravelo's Darna"

A new 'extra' with the power of intangibility is about to put Nueva Esperanza in danger.

Darna, haharap sa bagong ‘extra’ challenge
 
Ang award-winning actor na si Christian Bables ang latest guest star ng pinaka-pinag-uusapang serye na “Mars Ravelo’s Darna.” Siya ang ‘killer ghost’ na tila may planong maghasik ng lagim sa siyudad ng Nueva Esperanza.  
 
Sa “Darna” episode noong Lunes (Setyembre 5), ipinasilip si Christian bilang ‘extra’ na kayang lumusot sa isang dingding. Dito, suot niya ang itim na mask at hawak ang iniksyon at tila may pinaplanong gawing masama sa loob ng isang ospital.    
 
Ano kaya ang papel ng pinakabagong ‘extra’ sa buhay ni Darna (Jane De Leon) na unti-unti nang tinatanggap ang kanyang tadhana bilang protektor ng bato at mandirigma?
 
Nailigtas na rin ni Darna ang mga dinukot na babae ng isang sindikato, na lingid sa kaalaman niya ay ilegal na negosyo ni Nueva Esperanza Mayor Zaldy Vallesteros. Ano naman kaya ang magiging hakbang ng kapulisan sa imbestigasyong magaganap? Madadamay kaya si Narda rito?  
 
Abangan ang mga kaganapan sa “Darna,” Lunes hanggang Biyernes, 8 pm sa Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, CineMo, A2Z, at TV5. Available din ang seryeng handog ng ABS-CBN at prinodyus ng JRB Creative Production sa iWantTFC at TFC.
 
Para sa iba pang impormasyon, sundan ang JRB Creative Production sa Facebook at Twitter (@JRBcreativeprod) at sa Instagram (@JRBcreativeproduction). Para sa updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, TikTok, at Instagram o bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom.

PHOTOS

DOWNLOAD ALL 2 PHOTOS FROM THIS ARTICLE