News Releases

English | Tagalog

Paulo, mamamatay-tao pala sa "Flower of Evil"

September 07, 2022 AT 09:54 AM

Paulo is real accomplice of infamous serial killer in "Flower of Evil"

Will Iris be able to help Daniel in proving his innocence? Will Jacob pay for his crimes?

Lovi, buwis-buhay para kay Piolo

Malapit nang madiskubre nina Iris (Lovi Poe) at Daniel (Piolo Pascual) ang buong katotohanan dahil nabunyag na na si Jacob (Paulo Avelino) ang totoong kasabwat ng isang kilalang serial killer sa umiigting na mga rebelasyon sa “Flower of Evil.”

Si Jacob pala, at hindi si Daniel, ang totoong kasabwat ni Abel (Gardo Versoza), ang mamamatay-tao at tatay ni Daniel. Ngunit hindi pa ito alam nina Daniel at Iris kaya determinado silang panagutin ang totoong may sala sa tulong ni Grace (Denise Laurel), ang kapatid ni Daniel.

Bago pa nito, desidido na si Iris na patunayan na inosente si Daniel. Iniligtas kasi niya si Daniel bago ito napatay ni Baldo (Joko Diaz), ang mastermind ng isang sindikato at kasosyo ng ama ni Daniel sa pagpatay ng mga tao.

Pero nasa panganib pa rin ang buhay ni Daniel dahil gusto siyang patayin ng mga magulang ni Jacob para tuluyan na silang mabuhay ng tahimik. Alam na rin ni Dennis (Joem Bascon), ang kasamahang pulis ni Iris, ang buong katotohanan sa identidad ni Daniel at ipapa-aresto na niya ito.

Matutulungan pa ba ni Iris si Daniel na patunayan na inosente ito? Mabibisto ba nila ang mga krimen ni Jacob?

Tutukan ang “Flower of Evil” sa Viu, iWantTFC, at IPTV (USA and Canada only) kada Huwebes at Biyernes ng 8 PM at sa Kapamilya Channel, A2Z, at Jeepney TV kada Sabado at Linggo ng 9 PM. 

Para sa updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, TikTok, at Instagram o bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom