News Releases

English | Tagalog

Stargazer, may mga hula sa showbiz, bagong misteryosong sakit, at iba pa

January 10, 2023 AT 01:17 PM

Stargazer bares showbiz predictions, new mysterious disease, and more

The paranormal expert shares her 2023 predictions in a video uploaded on FYE YouTube channel.

Mga hula ng isang paranormal expert, tampok sa FYE YouTube channel
 
Ibinahagi ng paranormal expert na si Stargazer ang kanyang mga hula para sa taong 2023 kabilang na ang mga kontrobersiya na posibleng tumama sa ilang showbiz personalities at panibagong misteryosong sakit.  
 
“Sudden death ng isang komedyante. Isang beteranong aktor dapat mag-ingat sa kanyang kinakain. . . . Si aktres G, mas dapat pag-ingatan na ang kanyang health,” sabi niya sa YouTube video na mapapanood sa FYE Channel na may titulong ”2023 Predictions ni Stargazer.”

 
“Isang pamosong singer ang kailangan ding mag-ingat sa kanyang kalusugan. Isang former songstress ay magiging kontrobersyal dahil sa bisyo,” dagdag pa niya.
 
Nagbigay rin ng payo si Stargazer sa mga manonood na maging bukas sa kanyang mga hula at ikonsidera itong babala para mapaganda ang buhay.
 
Aniya, “Ang attitude natin is keep an open mind. Wala naman masama po na ikaw ay mag-iingat. Kaya po nabigyan ng gifts na ito is to warn ang make our lives better.” 
 
Binanggit din niya ang kanyang mga hula para sa iba’t ibang bahagi ng mundo, kasama na ang posibilidad ng riot at strike at kalamidad tulad ng lindol, pagputok ng bulkan, at tsunami, isang panibagong misteryosong sakit, at bagong hayop na madidiskubre sa Amazon.
 
Bukod sa kanyang mga hula para sa 2023, inilahad din ng dating DZMM anchor ang proseso na pinagdadaanan niya para magamit ang kanyang psychic ability at mabuo ang kanyang annual predictions, kabilang na ang pagdarasal at meditation. Sinabi rin niya na kung minsan dumarating ang kanyang mga vision ng hindi inaasahan.
 
“Hindi po lahat dumarating in one sitting. May mga pagkakataon na even in my dreams pupunta po yan at paggising ko maaaala ko at isusulat ko. Minsan nanahimik po ako dumadating ang vision. Or even pag may kausap ako nagko-cross po ang vision.”
 
Napapanood si Stargazer sa “Pinoy Vibes” sa FYE Channel sa kumu at sa “Pinoy Paranormal Mysteries” sa FYE YouTube channel.
 
Panoorin ang kumpletong 2023 predictions ni Stargazer sa FYE YouTube channel. Para sa iba pang detalye, sundan ang FYE Channel sa FacebookTwitterInstagram, at Tiktok.