News Releases

English | Tagalog

Super Soldiers, may pangmalakasang pagsubok laban sa Pinay superhero; videos na may #Darna, pumalo sa 2.3B views sa Tiktok

January 11, 2023 AT 03:39 PM

Super Soldiers gear up against Darna; series spawned Tiktok content with 2.3B views

Super Soldiers goes full force against Darna

Plano ni Borgo para pabagsakin si Darna, unti-unti nang naisasakatuparan

Maghanda na sa mas pinatinding mga aksyon sa paglitaw ng super soldiers, ang pangmalakasang grupo na susubok pabagsakin si Darna (Jane De Leon) sa hit Kapamilya series na “Mars Ravelo’s Darna,” na talaga namang patuloy na pinag-uusapan online kabilang na sa TikTok kung saan umani ito ng iba’t ibang Darna-related content gamit ang #Darna na may pinagsamang 2.3 billion views noong 2022.   

Sa pangunguna ni Borgo (Richard Quan), kabilang sa trending na super soldiers na may natatanging kapangyarihan na ngayon sina Noah Vallesteros (Paolo Gumabao), Andrei Abesamis (Young JV), Arthur Pineda (Eric Fructuoso), Sigfried Cruz (Joshua Colet), Mayor Zaldy Vallesteros (Simon Ibarra) at ang assistant niyang si Maisha Rodriguez (Dawn Chang). Base sa teaser na inilabas ng programa, makakasama rin sa pangangambahang grupo ang assistant ni Regina (Janella Salvador) na si Ali Corpuz (Mark Manicad).

Unang nagsanib-pwersa sina Noah at Andrei upang maghasik ng gulo sa isang charity ball event, habang naging Extra naman si Sigfried matapos niyang patunayan ang kanyang katapatan kay Borgo.

Nahuli naman ang pulis na si Arthur matapos mabuko ang koneksyon niya sa mga sindikato at sa pagpatay sa ama ni Brian Robles (Joshua Garcia). Umanib ito kina Borgo nang tulungan itong tumakas ni Sigfried mula sa ospital.

Ginulat naman ni Mayor Zaldy ang Nueva Esperanza matapos isiwalat na siya si Mr. X, ang mastermind sa likod ng sindikato ng droga sa lugar. Sa kanyang pagtakas mula kay Darna at sa mga pulis, ginamit ni Zaldy ang serum na nag-transform sa kanya bilang isang higanteng Extra.

Samantala, lumapit naman ang assistant niyang si Maisha kay Victoria Villaceran (Carla Martinez) upang humingi ng tulong matapos masibak sa pagka-mayor si Zaldy. Ikinagulat niya nang malaman na si Borgo ang nasa likod ng katauhan ni Victoria at tinanggap din niya ang alok na sumali sa binubuo nitong hukbo ng mga Extra.

Mula sa super soldiers hanggang sa mga kamandag ni Valentina, sunod-sunod ang mabibigat na hamon kay Darna bilang protektor ng bato. Mailigtas pa kaya niya ang Nueva Esperanza mula sa mga bigating kalaban?

Saksihan ang “Darna” Lunes hanggang Biyernes, 8pm sa Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, CineMo, A2Z, at TV5. Available rin ang ABS-CBN series na prinodyus ng JRB Creative Production sa iWantTFC at TFC. Para sa iba pang impormasyon, sundan ang JRB Creative Production sa Facebook at Twitter (@JRBcreativeprod) at sa Instagram (@JRBcreativeproduction).

Para sa updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, TikTok, at Instagram o bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom.