News Releases

English | Tagalog

Stars ng “Dirty Linen” na sina Zanjoe, Janine, at FranSeth dinagsa ng fans sa Dinagyang Kapamilya Karavan

January 24, 2023 AT 11:43 AM

Jane De Leon, nakisaya sa pagdiriwang ng Dinagyang Festival sa Iloilo

 

Niyanig ng “Dirty Linen” cast na sina Zanjoe Marudo, Janine Gutierrez, Francine Diaz, at Seth Fedelin ang entablado dahil sa kanilang mala-concert-level numbers sa Dinagyang Kapamilya Karavan sa Iloilo noong Enero 22.

Nanguna ang dalawang lead star ng serye sa pagbibigay-aliw sa mga manonood. Malakas na sigawan mula sa fans ang natanggap ni Janine nang kantahin niya ang hit song na "Jopay," habang natunaw naman ang mga puso ng mga manonood dahil sa pag-awit ni Zanjoe ng mga love songs.

Samantala, naghatid ng nakakakilig na performances ang tandem na sina Francine at Seth sa mga tagahanga nila sa City of Love. Sumama rin sa cast ang Idol Philippines finalist na si Kice, na siyang kumanta ng opisyal na theme song ng serye.

Ang “Dirty Linen” ay ang bagong drama teleserye ng ABS-CBN na ipinalabas noong Enero 23.

Kasabay nito, ipinagdiwang din ng cast ng “Mars Ravelo’s Darna,” sa pangunguna ni Jane de Leon, ang Dinagyang Festival kasama ang Ilonggo fans sa Vista Mall Iloilo noong Linggo. Kasama niya ang iba pang miyembro ng cast na sina Mutya Orquia, LA Santos, Young JV, at Mark Manicad.

Mapapanood ang “Darna” at “Dirty Linen” gabi-gabi, Lune hanggang Biyernes, sa Kapamilya Channel, A2Z, TV5, Kapamilya Online Live, iWantTFC, at TFC.

Naging posible ang Dinagyang Kapamilya Karavan sa pamamagitan ng pagtutulungan ng ABS-CBN Regional, ABS-CBN Events, Kapamilya Channel Regional, MOR, at A2Z Regional.

Para sa ibang balita, i-follow ang @ABSCBNPR sa Facebook, Twitter, Instagram, and TikTok or visit www.abs-cbn.com/newsroom.