News Releases

English | Tagalog

Noli de Castro, magbabalik sa "TV Patrol" simula Enero 9

January 06, 2023 AT 12:04 PM

Muling mapapanood ng sambayanang Pilipino si Kabayan Noli de Castro sa TV Patrol upang maghatid ng mga nagbabagang balita simula sa Lunes (Enero 9).

Ihahatid ni Kabayan ang pinakahuling balita sa selebrasyon ng 'Nazareno 2023' nang live mula sa Quirino Grandstand. 

“Magkita-kita tayo sa Lunes. Live ho ako sa Quirino Grandstand para sa TV Patrol,” ayon kay De Castro sa programa niyang “Kabayan” sa TeleRadyo nitong Biyernes (Enero 6). 

Makakasama ni Kabayan sina Henry Omaga-Diaz, Karen Davila at Bernadette Sembrano sa paghahatid ng balita sa mga Pilipino saan man sa mundo. Patuloy rin siyang mapapanood sa kanyang public service show na “Kabayan” at ng morning newscast na “TeleRadyo Balita” kasama si Joyce Balancio sa TeleRadyo.

Napapanood ang “TV Patrol” mula Lunes hanggang Biyernes, 6:30 pm, habang napapanood naman ang “TV Patrol Weekend” tuwing Sabado at Linggo, 6 pm kasama sina Alvin Elchico at Zen Hernandez. Available ito sa A2Z, Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, iWantTFC, youtube.com/ABSCBNNewsnews.abs-cbn.com/live, at iba pang ABS-CBN News digital platforms. 

Para sa ibang updates, i-follow ang @ABSCBNPR sa Facebook, Twitter, Instagram, at Tiktok o pumunta sa www.abs-cbn.com/newsroom.

 

PHOTOS

DOWNLOAD ALL 4 PHOTOS FROM THIS ARTICLE