News Releases

English | Tagalog

Maricel umani ng papuri sa pagganap sa "Pira-Pirasong Paraiso"

October 10, 2023 AT 01:22 PM

Karakter niyang si Amanda, nagpaalam na sa serye

Kaliwa’t kanan ang papuri sa Diamond Star na si Maricel Soriano sa pagganap niya bilang Amanda sa Kapamilya teleseryeng “Pira-Pirasong Paraiso” na napapanood tuwing hapon sa Kapamilya Channel, A2Z, at TV5. 

Sa pagkamatay ng kanyang karakter, pinuri ng netizens si Maricel para sa kanyang walang kupas na aktingan kung saan ipinamalas niya ang galing niya sa tarayan scenes kasama ang karakter ni Snooky Serna, at nagpaiyak din siya sa iba’t ibang makabag-damdaming eksena kasama ang mga karakter nina Charlie Dizon, Loisa Andalio, Elisse Joson, at Alexa Ilacad.

Sa kasalukuyang takbo ng kwento, na-shookt ang viewers sa biglaang pagpatay kay Amanda (Maricel) matapos siyang matagpuan ni Baby (Loisa) na duguan sa isang kwarto. Bago pa nito, mukhang nadiskubre na ni Amanda kung sino ang totoong Amy Paraiso dahil ipinakita siyang emosyonal habang binabasa ang resulta ng isang DNA test. 

Dahil walang matibay na ebidensya sa pagkamatay ni Amanda, pagkakataon na ito ni Jacinda (Snooky) na ituro si Diana (Charlie) bilang prime suspect dahil sa hinanakit nito sa lola. Sa kabilang banda naman, si Baby ang pinagdududahan ni Carlota (Nikki Valdez) bilang ang totoong mamamatay-tao. 

Sino ang pumatay kay Amanda? Malapit na nga bang mabulgar kung sino ang totoong Amy Paraiso?

Tutukan ang “Pira-Pirasong Paraiso,” Lunes hanggang Biyernes ng 3 PM at kada Sabado ng 2:30 PM, sa Kapamilya Channel, A2Z, TV5, Kapamilya Online Live, iWantTFC, at TFC. 

Para sa iba pang updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, Instagram, at Tiktok o bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom.

PHOTOS

DOWNLOAD ALL 5 PHOTOS FROM THIS ARTICLE