News Releases

English | Tagalog

"ABS-CBN Ball 2023: Forever Grateful" pinakamalaking showbiz event ng taon, humakot ng 685 M view

October 12, 2023 AT 01:50 PM

Available pa rin sa ABS-CBN Entertainment YouTube channel at iWantTFC

 

Patuloy na ipinaparamdam ng mga Kapamilya ang kanilang pagmamahal sa ABS-CBN dahil nakakuha na ng kabuuang 685 milyong views ang “ABS-CBN Ball 2023: Forever Grateful,” ang pinakamalaking showbiz event of the year, sa iba’t ibang social media platforms base sa datos noong Oktubre 10.

Makalipas ang apat na taon, nakita muli ng mga fans ang kanilang paboritong artists, loveteams, beteranong aktor at aktres, pati na rin ang industry leaders at content partners, na rumampa sa red carpet ng pinaka-inaabangang Kapamilya event.

Live na ipinalabas ang star-studded ball sa YouTube channel ng ABS-CBN Entertainment at Metro.style, Metro Channel, iWantTFC, at TFC.

Bilang bahagi ng misyon ng ABS-CBN na ipagpatuloy ang paglilingkod sa sambayanang Pilipino, ang ilang porsiyento ng pondong nalikom sa ball ay napunta sa ABS-CBN Foundation, na kinabibilangan ng mga benepisyaryo ng Sagip Kapamilya, Bantay Bata 163, Programa Genio, Bantay Kalikasan, at Integrated Area Development.

Available pa rin ang playback ng red carpet ng ball sa YouTube Channel ng ABS-CBN Entertainment, iWantTFC, at https://theball.abs-cbn.com.

Para sa iba pang updates, sundan ang @ABSCBNPR sa Facebook, X (dating Twitter), Instagram, TikTok, at Threads o bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom.

PHOTOS

DOWNLOAD ALL 5 PHOTOS FROM THIS ARTICLE