News Releases

English | Tagalog

Benedix Ramos, inilunsad ang bagong awitin na "Hindi Ka Sa Akin"

October 18, 2023 AT 09:59 AM

Benedix Ramos cruises through heartache in "Hindi Ka Sa Akin"

Benedix Ramos ha released the music video for "Hindi Ka Sa Akin" which features ASEAN Film Awards best actress Majoy Apostol.

Unang awitin sa ilalim ng Star Music

Inilabas na ng dating “Pinoy Big Brother Kumunity season 10" celebrity edition housemate na si Benedix Ramos ang kanyang unang solo single sa ilalim ng Star Music na pinamagatang “Hindi Ka Sa Akin.”

Isinulat ni Benedix ang mellow pop track na nagkukuwento ng pagkahulog sa isang taong may ibang minamahal. Iprinodyus naman ito ni ABS-CBN Music creative director Jonathan Manalo.

Napapanood na rin ang “Hindi Ka Sa Akin music video sa ABS-CBN Star Music YouTube channel kung saan kasama niya ang ASEAN Film Awards best actress na si Majoy Apostol.

Nagsimula ang journey ni Benedix sa industriya bilang isang online streamer sa YouTube kung saan ibinabahagi niya ang kanyang vlogs at song covers. Naging parte siya ng “PBB” matapos manalo sa “Online Bahay ni Kuya” campaign sa Kumu na nagdala sa kanya upang maging opisyal na housemate ng celebrity edition.

Bilang recording artist, nakapaglabas na siya ng iba’t ibang awitin tulad ng “Sayaw Ng Mga Tala” kasama si Vivoree at “Hindi Pa Natin Alam” kasama si Trisha Denise na naging bahagi ng official soundtrack ng iWantTFC series na “Tara, G!” Bukod sa musika, pinasok rin niya ang mundo ng teatro at naging kasama sa musicals na “Ang Huling El Bimbo” at “Tabing Ilog.”

Damhin ang kwento ng bagong single ni Benedix na “Hindi Ka Sa Akin” na napapakinggan sa iba’t ibang music streaming platforms. Para sa karagdagang detalye, sundan ang Star Music sa Facebook, Twitter, Instagram, Tiktok, at YouTube.

Para sa iba pang updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, Instagram, at Tiktok o bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom.

 

PHOTOS

DOWNLOAD ALL 5 PHOTOS FROM THIS ARTICLE