News Releases

English | Tagalog

"Pira-Pirasong Paraiso" stars forever grateful kay Maricel

October 19, 2023 AT 08:49 AM

Elisse, Alexa, Charlie, at Loisa todo pasasalamat kay Inay Marya

Taos-pusong nagpapasalamat ang mga bida ng “Pira-Pirasong Paraiso” sa nag-iisang Diamond Star na si Maricel Soriano para sa kanyang natatanging pagganap matapos magpaalam ang kanyang karakter para sa kanyang special participation sa Kapamilya afternoon serye. 

Ibinahagi nina Elisse Joson, Alexa Ilacad, Charlie Dizon, at Loisa Andalio ang kanilang tuwa na makatrabaho si Maricel na para sa kanila ay “dream come true.” 

“Sobrang saya po namin na nakasama ka namin dito sa aming munting paraiso. Nakatawanan, nakatrabaho, at higit sa lahat nayakap namin nang buong-buo ang isang Diamond Star,” ani Elisse.

Para kay Alexa, priceless ang on-and-off cam moments nila kasama si Inay Marya. “Isa po sa mga bucket list wish ko ay makatrabaho kayo at masaya ako na nangyari na. Ipagmamalaki ko talaga ‘to. Thank you sa mga wisdom na binigay niyo at ipinasa sa amin,” sabi niya. 

“Sobrang saya ko po na nakatrabaho ko na po kayo. Sana hindi pa po ito ang huli. Forever ko po itong tatanawin na isang karangalan na naka-work kayo at naka-eksena ko na kayo,” pasasalamat ni Charlie. 

Forever grateful din si Loisa sa “once in a lifetime opportunity” na makasama ang Diamond Star. “Maraming salamat po sa pag-oo na makasama kami, isang karangalan po. We love you,” sabi niya.

Nag-viral sa social media ang ilang emosyonal na eksena sa serye kung saan nagbitiw ng masasakit na salita sa isa’t isa ang mga karakter nina Maricel, Elisse, Alexa, Charlie, at Loisa.

Sa kasalukuyang kwento ng “Pira-Pirasong Paraiso,” umiigting na ang imbestigasyon sa pagkapatay kay Amanda (Maricel) dahil aakusahan si Diana (Charlie) ng kanyang mga kaaway bilang ang totoong mamamatay-tao. Sino nga ba talaga ang salarin?

Tutukan ang “Pira-Pirasong Paraiso,” Lunes hanggang Biyernes ng 3 PM at kada Sabado ng 2:30 PM, sa Kapamilya Channel, A2Z, TV5, Kapamilya Online Live, iWantTFC, at TFC. 

Para sa iba pang updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, Instagram, at Tiktok o bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom.

PHOTOS

DOWNLOAD ALL 3 PHOTOS FROM THIS ARTICLE