News Releases

English | Tagalog

Jane, babangon mula sa 'pagkamatay' sa bagong yugto ng "Nag-Aapoy Na Damdamin"

October 20, 2023 AT 11:14 AM

Rising from the 'dead': Jane exacts fiery revenge in "Nag-Aapoy Na Damdamin" season 2

The new season of "Nag-Aapoy Na Damdamin" opens with a new and fiercer version of Jane Oineza.

Jane, JC, at Ria, nominado sa 4th Annual TAG Awards Chicago

Titindi pa ang nakakagigil na gantihan sa "Nag-Aapoy Na Damdamin" sa pagbubukas ng season 2 ng programa at kasabay nito ang good news na ang mga bida nitong sina Jane Oineza, JC De Vera, at Ria Atayde ay nakasungkit ng nominasyon sa 4th Annual TAG Awards Chicago.
 
Nominado sina Jane at JC bilang best actress at best actor habang si Ria naman ay nominado bilang best supporting actress para sa serye.
 
Ikinagulat naman ng mga manonood ang trending na season-ender scene kung saan isiniwalat na ni Claire (Jane) kay Philip (JC) na bumalik na ang kanyang alaala matapos mailigtas mula sa misteryosong pagkadakip.
 
Sa pagsisimula ng season 2 ng “Nag-Aapoy Na Damdamin,” tuluyan nang pinangatawan ni Claire ang kanyang katauhan bilang si Olivia na unang asawa ni Lucas (Tony Labrusca) habang desidido naman si Melinda (Ria) na ipaglaban ang pagmamahal niya kay Lucas.
 
Sa kanyang tila pagbangon mula sa hukay dahil sa matinding pinagdaanan, handa na si Olivia na isagawa ang kanyang paghihiganti sa mga taong nanakit at nanloko sa kanya.
 
Samantala, nakisaya naman sina Jane at JC sa naganap na Buglasan Festival sa Negros Occidental noong Sabado kasama ang co-star na si Elyson De Dios at Kapamilya actor Aljon Mendoza. Ito ay bilang pasasalamat na rin sa patuloy na suporta na natatanggap ng gantihan serye mula sa mga manonood. Maghahatid naman ng good vibes sina Jane, JC, Ria kasama ang “Hex Boyfriend” stars na sina Aljon at Karina Bautista sa KCC Mall de Zamboanga ngayong Sabado (Okt. 21), 5pm.
 
Huwag palampasin ang nagbabagang emosyon sa "Nag-Aapoy Na Damdamin" mula Lunes hanggang Biyernes, 3:45pm sa Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, A2Z, TV5, iWantTFC, at TFC. Para sa karagdagang impormasyon, sundan ang JRB Creative Production sa Facebook, Twitter (@JRBcreativeprod), Instagram (@JRBcreativeproduction), at TikTok (@jrbcreativeprod).
 
Para sa iba pang updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, Instagram, at Tiktok o bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom.