News Releases

English | Tagalog

ABS-CBN PR, nanguna sa Tiktok Entertainment Info sa Pilipinas

October 27, 2023 AT 12:11 PM

TikTok ng ABS-CBN, numero unong entertainment account sa Pilipinas

 

Nanguna ang @abscbnpr Tiktok account sa Tiktok Philippines’ Entertainment Info category na nakakuha  ng 62.6 million views mula Oktubre 1 hanggang 15, habang nasa ika-apat na puwesto naman ito sa Top Stars ng Tiktok Philippines’ Entertainment accounts.

Nagbibigay ang account, na pinamamahalaan ng ABS-CBN Corporate Communications, ng pinakabagong coverage ng mga bituin, palabas, at kaganapan ng ABS-CBN, kabilang ang mga highlight at pinag-uusapang eksena mula sa mga programa ng ABS-CBN.

Umani ang @abscbnpr Tiktok account ng kabuuang 237.9 milyong video views sa ikatlong quarter ng 2023 at nailagay sa ika-limang pwesto ng mga Top Stars ng TikTok Philippines' Entertainment accounts para sa buwan ng Hulyo hanggang Setyembre 2023.

Kabilang sa pinakasikat at pinapanood na content nito ay ang coverage ng ABS-CBN Ball, Star Magic events, Kapamilya media conferences, panayam sa mga celebrity, at episode highlights ng “FPJ's Batang Quiapo,” “Dirty Linen,” “Senior High,” at “A Very Good Girl,” at iba pa.

Samantala, numero uno rin ang TikTok ng ABS-CBN (@abscbn) sa mga entertainment account para sa ikatlong quarter ng 2023, na nakapagtala ng kabuuang 981.3 milyong video views.

Para sa ibang updates, i-follow ang @ABSCBNPR sa Facebook, X (dating Twitter), Instagram, TikTok, at Threads o bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom.    

 

PHOTOS

DOWNLOAD ALL 4 PHOTOS FROM THIS ARTICLE