News Releases

English | Tagalog

Paano nga ba tinanggap ng pamilya ni AJ Perez ang biglaang pagkamatay ng aktor?

October 27, 2023 AT 02:26 PM

Embalsamador na si “Ka Morgue,” tampok sa “Tao Po”

 

Ibabahagi ni Bernadette Sembrano kung paano natanggap ng pamilya ng yumaong aktor na si AJ Perez at napanatili ang kanilang koneksyon sa kanya sa “Tao Po” ngayong Linggo (Oktubre 29).

Noong 2011, sumakabilang buhay si AJ nang maaksidente ang sinasakyan nito noong pauwi siya mula sa isang event sa Pangasinan. Bilang pag-alala sa kanilang yumaong mahal sa buhay, aalalahanin ng pamilya Perez ang masasayang sandali nila kasama si AJ noong ito ay nabubuhay pa.

Ngayong Undas, maglalakbay ang Kapamilya reporter na si Job Manahan sa Nueva Ecija upang kilalanin ang third-generation na embalsamador na si Ferdinand Malgapo, Jr., na kilala bilang vlogger na si "Ka Morgue." Aalamin ni Job ang proseso ng pag-eembalsamo sa mismong morgue kung saan nagtatrabaho si Ferdinand.

Samantala, itatampok naman ni Kabayan Noli De Castro ang PWD na si Tony Dela Paz. Sa kabila ng kahinaan ng kanyang mga braso at paa, nakakapagtrabaho pa rin siya sa pamamagitan ng paglalako ng mga gulay sakay ng kanyang skateboard.

Panoorin ang mga nakaka-inspire na kwento ngayong Linggo (Oktubre 29) sa “Tao Po” mula 6:15 p.m. sa Kapamilya Channel, A2Z, Kapamilya Online Live, at ABS-CBN News Online.

Para sa ibang updates, i-follow ang @ABSCBNPR sa Facebook, Twitter, Instagram, TikTok, at Threads o bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom.    

PHOTOS

DOWNLOAD ALL 5 PHOTOS FROM THIS ARTICLE