News Releases

English | Tagalog

Jane, natuklasan na ang tunay na katauhan; umani ng papuri sa bigating pagganap sa "Nag-Aapoy Na Damdamin"

October 05, 2023 AT 02:09 PM

Jane unravels the truth about her identity; earns praise for impressive acting in "Nag-Aapoy Na Damdamin"

Jane Oineza receives praise for her acting prowess in "Nag-Aapoy Na Damdamin."

Claire, sisimulan na ang pagpapanggap!

Pasabog na pagganap ang ibinigay ni Jane Oineza sa "Nag-Aapoy Na Damdamin" na binigyang puri ng online viewers, partikular na sa eksena kung saan natuklasan ni Claire (Jane) ang kanyang tunay na katauhan bilang asawa ni Lucas (Tony Labrusca) na si Olivia.
 
“She totally nailed it and really deserves an international award,” ani ng isang X user na pumuri sa bigating eksena ni Jane noong Miyerkules (Oktubre 4) pagkatapos manumbalik ang kanyang alaala.
 
“The breakdown scene is on point. Sarap ng sigaw nya. Parang ikaw din nabunutan ng tinik sa dibdib,” sabi ng isa pang X user.
 
“Hindi talaga sila nagkamaling si Jane Oineza ang lead role dito, deserve niya dahil napakagaling niyang artista,” post naman ng isang netizen sa YouTube.
 
Dala ng kanyang gigil para maghiganti, haharapin ni Claire ang mga kasinungalingan ni Philip (JC De Vera) habang patuloy na magpapanggap bilang asawa nito.
 
Sa kanyang pag-uungkat sa madilim niyang nakaraan, mananatili kaya si Claire sa piling ni Philip o babalikan niya ba ang unang asawa niya na si Lucas?
 
Samantala, maghahatid naman ng saya at good vibes ang cast ng "Nag-Aapoy Na Damdamin" kasama sina Karina Bautista at Aljon Mendoza ngayong Sabado (Oktubre 7) sa KCC Mall of Gensan (5pm) at KCC Mall of Marbel (8pm).
 
Huwag palampasin ang maiinit na eksena ng "Nag-Aapoy Na Damdamin" mula Lunes hanggang Biyernes, 3:45pm sa Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, A2Z, TV5, iWantTFC, at TFC. Para sa karagdagang impormasyon, sundan ang JRB Creative Production sa Facebook, Twitter (@JRBcreativeprod), Instagram (@JRBcreativeproduction), at TikTok (@jrbcreativeprod).
 
Para sa iba pang updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, Instagram, at Tiktok o bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom.