News Releases

English | Tagalog

Sarah G, HORI7ON, at Yeng, live na live magpapasaya sa 'ASAP Natin 'To'

October 06, 2023 AT 06:30 PM

Catch Sarah G, HORI7ON, and Yeng perform live on 'ASAP Natin 'To'

Catch Sarah G, Yeng Constantino, HORI7ON, and much more LIVE this Sunday on "ASAP Natin 'To," 12 NN

Abangan din ang sorpresa mula sa stars ng 'Linlang,' pati ang kilig acoustic kantahan nina Elijah, Kice, Jeremy G, at Benj Pangilinan

Live na live muling magpapasaya ang inyong ASAP Kapamilya, hatid ang world-class performances mula sa mga paborito ninyong OPM at Kapamilya stars, at marami pang iba ngayong Linggo (Oktubre 8) sa "ASAP Natin 'To" sa Kapamilya Channel, A2Z, at TV5.

Todo-todo ang saya sa ASAP stage sa ultimate dance hits party celebration kasama ang Popstar Royalty na si Sarah Geronimo, global pop group HORI7ON at ang Aces ng P-Pop na BGYO, pati sina Yeng Constantino, Jameson Blake, Joao Constancia, Jin Macapagal at ang buong ASAP family with Robi Domingo, Edward Barber, at Janine Gutierrez.

Maki-jam pa kasama si Yeng sa kanyang kaabang-abang na collabs, tulad ng Taylor Swift hits kantahan with Darren, Anji Salvacion, Angela Ken, JM Yosures, at Khimo Gumatay, pati ang bonggang duet kasama ang Asia's Songbird Regine Velasquez.

Patuloy ang pag-arangkada ng romance-affair serye na "Linlang," kaya may sorpresang hatid ang cast nito sa ASAP stage, tampok ang solo pasabog ng lead star at ASAP dance royalty na si Kim Chiu, habang makikiramapa rin siya kasama ang co-stars niyang sina Paulo Avelino, JM de Guzman, Kaila Estrada, Anji, Kice, Albie Casiño, Maricel Soriano, at iba pa nna sasabayan din ng pagkanta ni Erik Santos.

Iinit pa lalo ang ASAP stage sa matinding hatawan nina Gela Atayde at Jackie Gonzaga kasama ang Legit Status, habang may throwback performance naman si Ogie Alcasid kasama ang "Pira-Pirasong Paraiso" leading ladies na sina Alexa Ilacad, Loisa Andalio, at Charlie Dizon kasabay ang Babydolls.

Aapaw rin ang kilig sa swabeng acoustic jamming nina Elijah Canlas at mga vocal heartthrob na sina Kice, Jeremy G, at Benj Pangilinan.

Hindi pa natatapos ang all-star kantahan sa bigating champions biritan nina Jona, Jed Madela, Sheryn Regis, Frenchie Dy, Bituin Escalante, Klarisse de Guzman, Jason Dy, Elha Nympha, Lyka Estrella, Sam Mangubat, Marielle Montellano, ANNRAIN, Sheena Belarmino, at Fana. May solo Latin hits medley performance din si Mr. Pure Energy Gary Valenciano na dapat abangan.

At huwag palampasin ang bigay-todong '80s hits tapatan nina Zsa Zsa Padilla, Angeline Quinto, Erik, Darren, Nina, Jona, at Ogie sa "The Greatest Showdown."

Lahat ng ito, live na live ninyong masasaksihan sa longest-running at award-winning musical variety show sa bansa, "ASAP Natin 'To," sa local TV sa Kapamilya Channel, Jeepney TV, A2Z, at TV5, online sa Kapamilya Online Live at iWantTFC, at worldwide via TFC.

Para mapanood ito sa TV5 at A2Z, i-rescan lang ang digital TV box na ginagamit sa bahay, gaya ng TVplus.

Para sa updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, X, Instagram, at TikTok o bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom