News Releases

English | Tagalog

Pahayag sa desisyon ng ABS-CBN na hindi na iapela ang MTRCB ruling sa "It's Showtime"

October 06, 2023 AT 04:01 PM

Pagkatapos ng masusing pag-aaral, nagdesisyon ang ABS-CBN na hindi na iapela sa Office of the President ang desisyon ng MTRCB hinggil sa “It’s Showtime” at sa halip ay sasailalim sa 12-araw na suspensyon ang programa simula Oktubre 14.
 
Iginagalang namin ang awtoridad ng MTRCB, ngunit naniniwala kami na walang nangyaring paglabag ang “It’s Showtime” sa anumang batas. 
 
Lubos kaming nagpapasalamat sa mga manonood sa kanilang patuloy na pagmamahal at suporta sa “It’s Showtime,” na babalik sa ere sa Oktubre 28 na mas pinalakas at pinaganda.
 
Maraming salamat, Madlang People!