News Releases

English | Tagalog

Abangan ang triple birthday pasabog nina Jona, Jane de Leon, at Shaina sa 'ASAP Natin 'To'

November 10, 2023 AT 12:28 PM

'ASAP Natin 'To' brings a triple birthday bash from Jona, Jane de Leon, and Shaina this Sunday

Celebrations are in full swing with a triple birthday extravaganza from Jona, Jane de Leon, and Shaina Magdayao on "ASAP Natin 'To"

Bibida rin sina Martin at Troy Laureta, pati sina Darren at AC kasama ang paborito ninyong P-Pop acts

Todo-todo ang saya sa triple birthday pasabog nina Jona, Jane, at Shaina na susundan din ng mas marami pang world-class acts mula sa paborito ninyong Kapamilya stars ngayong Linggo (Nobyembre 12) sa "ASAP Natin 'To" sa Kapamilya Channel, A2Z, at TV5.

Times three ang bigating birthday celebrations sa ASAP stage mula sa multi-talented Kapamilya ladies, tampok ang birit blowout ng Fearless Diva na si Jona kasama sina Jed Madela, Frenchie Dy, Lara Maigue, at Regine Velasquez; comeback performance ng makabagong Darna na si Jane de Leon; at hataw treat ng OG dance idol na si Shaina Magdayao.

Balikan din natin ang Y2K fever sa 2000s hits party na pangungunahan ng OPM icons na sina Martin Nievera, Zsa Zsa Padilla, Erik Santos, Ogie Alcasid, at Regine kasama sina Jason Dy, Nyoy Volante, Krystal Brimner, at ang inyong ASAP Kapamilya with Robi Domingo.

Matindi rin ang throwback vibes sa pop hits revival act nina Darren at AC Bonifacio kasama ang P-Pop groups na YARA at VXON.

Samantala, tuloy-tuloy pa rin ang bigay-todong sayawan sa hip-hop hatawan nina AC, Jeremy G, Jameson Blake, Jin Macapagal, Race Matias, at Legit Status.

Marami pang kantahan ang dapat abangan, tulad ng collab ni Gary Valenciano kasama ang new-gen singers na sina Khimo Gumatay, Reiven Umali, JM Yosures, at Bryan Chong; pati ang unstoppable biritan nina Martin, Ogie, Elha Nympha, Fana, at Lyka Estrella.

At abangan din ang bagong single performance ng Concert King na si Martin kasama ang award-winning Fil-Am musician na si Troy Laureta, na susundan ng competition piece tapatan nina Zsa Zsa, Erik Santos, Sheryn Regis, Bituin Escalante, Ogie, at Regine sa "The Greatest Showdown."

Pakatutukan ang lahat ng ito mula sa longest-running at award-winning musical variety show sa bansa, "ASAP Natin 'To," sa local TV sa Kapamilya Channel, Jeepney TV, A2Z, at TV5, online sa Kapamilya Online Live at iWantTFC, at worldwide via TFC.

Para sa updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, X, Instagram, at TikTok o bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom.