News Releases

English | Tagalog

Janah Zaplan, matamis ang mensahe sa awiting "Pasko'y Nagbabalik"

November 16, 2023 AT 02:58 PM

 
Matamis na alaala ng pag-ibig ang hatid ng Kapamilya artist na si Janah Zaplan sa kanyang Christmas single na “Pasko’y Nagbabalik" na inilabas sa ilalim ng Star Pop.
 
Isinulat at iprinodyus ni ABS-CBN Music creative director Jonathan Manalo ang awitin na sumasalamin sa pag-alala sa nakalipas na pag-ibig at pagdiriwang ng kapaskuhan kasama ang taong minamahal.
 
Saad ni Janah, “This is a reminder how good this season is by reminiscing memories and creating new ones this Christmas.”
 
Isa si Janah sa mga bagong artists mula sa Star Pop na pinagungunahan ng label head nitong si Roque “Rox” Santos. Ipinamalas niya ang kanyang talento sa iba’t ibang dance pop singles tulad ng “Maiba Naman,” “Eh Ano Ngayon,” at “Dancing On My Own.” Samantala, napasama naman ang bagong awitin niya na “Pasko’y Nagbabalik” sa Spotify New Music Friday at Fresh Finds Philippines playlist.
 
Damhin ang pag-ibig sa bagong awitin ni Janah na “Pasko’y Nagbabalik” na napapakinggan sa iba’t ibang streaming platforms. Para sa ibang detalye, sundan ang Star Pop sa FacebookTwitterInstagram, at TikTok.
 
Para sa iba pang updates, sundan ang @abscbnpr sa FacebookTwitterInstagram, at Tiktok o bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom.

PHOTOS

DOWNLOAD ALL 4 PHOTOS FROM THIS ARTICLE