News Releases

English | Tagalog

Kwento ng tagumpay ng mga Pinoy na parte ng Grab app, itatampok sa "My Puhunan" nina Karen at Migs

November 16, 2023 AT 02:41 PM

Kandidata ng Bb. Pilipinas, may sarili ng coffee shop  
Muling aapaw ang inspirasyon dahil makakausap nina Karen Davila at Migs Bustos ang isang lady Grab Car driver at isang negosyanteng nakamit ang tagumpay sa tulong ng Grab Food sa bagong episode ng “My Puhunan” ngayong Sabado (Nov 18). 
 
Pitong taon ng Grab Car Driver si Melissa Buscaino-Redulla na ibinahagi kay Karen na mas natutugunan niya ang mga pangangailangan ng mga anak simula nang maging parte siya ng Grab na sa tingin niya ang katuparan ng kanyang dasal kay Padre Pio. Kwento pa ni Melissa, iba’t ibang training din ang kanyang nasalihan sa tulong ng Grab upang mas mapabuti pa niya ang kanyang hanapbuhay. 
 
Naka-bonding naman ni Migs ang millennial na negosyanteng si Ryan Tan na lumago ang mango shake business sa tulong ng Grab Food. Sa kasalukuyan, mayroon ng 12 branch si Ryan simula ng magbenta siya ng mango shake. Ani Ryan, sinuportahan din siya ng Grab na magkaroon ng dagdag-kaalaman para mas mapalago pa ang negosyo. 
 
Samantala, ipapakita naman ng beauty queen na si Miss Bikini Philippines 2021 at Bb. Pilipinas candidate Zeah Nestle Pala ng Camiling, Tarlac ang kanyang binuksan na coffee shop katuwang ang kanyang ama sa Tarlac.  
 
Huwag palampasin ang mga kwentong puno ng inspirasyon sa ‘My Puhunan: Kaya Mo!’ kasama sina Karen Davila at Migs Bustos sa bago nitong timeslot tuwing Sabado, 5:00 p.m. sa Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, A2Z, news.abs-cbn.com/live at sa iba pang ABS-CBN News online platforms. 
 
Para sa ibang updates, i-follow ang @ABSCBNPR sa Facebook, Twitter, Instagram, TikTok, at Threads o bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom.    

PHOTOS

DOWNLOAD ALL 5 PHOTOS FROM THIS ARTICLE