News Releases

English | Tagalog

Mainit-init na performance mula kay Sarah G, at collab nina Bamboo, Kyle, at Darren, tampok sa 'ASAP Natin 'To'

November 17, 2023 AT 06:19 PM

Catch Sarah G's freshest treat and a superb collab from Bamboo, Kyle, and Darren on 'ASAP Natin 'To'

Soak in the freshness from a showstopping solo act from the country's Popstar Royalty, Sarah Geronimo, plus a total collab from Bamboo, Kyle Echarri, and Darren

Abangan ang birthday birit ni Sheryn, at ang pasabog na 'Clash Dance' tapatan nina Jane at AC

Makisaya sa bigating sound trip party ng inyong paboritong weekend habit at marami pang ibang sorpresa ngayong Linggo (Nobyembre 19) sa "ASAP Natin 'To" sa Kapamilya Channel, A2Z, at TV5.

Bigay-todo muli ang Popstar Royalty na si Sarah Geronimo sa ASAP stage, tampok ang kanyang mainit-init na solo performance sa panibagong edisyon ng "Sarah G Presents." Hindi rin pahuhuli ang sanib-pwersa na total performance ng certified rakista na si Bamboo kasama ang pop heartthrobs na sina Kyle Echarri at Darren.

Pasiglahin pa ang inyong ASAP sound trip sa current OPM hits party kasama sina Chie Filomeno, Jason Dy, Jeremy G, Krystal Brimner, Jameson Blake, Joao Constancia, Jin Macapagal, P-Pop acts na PLUUS, YGIG at CALISTA, pati ang buong ASAP Kapamilya with Robi Domingo at Janine Gutierrez.

Damang-dama naman ang shake, rattle, at roll sa "Clash Dance" hatawan nina Jane de Leon at AC Bonifacio.

Ituloy lang ang sayawan kasama sina AC, Darren, Gela Atayde, at Gab Valenciano, pati sa P-Pop pasabog ng ALAMAT at 1st.One, na susundan ng pamaskong handog ni Ogie Alcasid bilang Eydie Waw kasabay ang Wawettes.

Bibirit din ang power belter na si Sheryn Regis para sa kanyang kaarawan kasama sina Jona, Jed Madela, Bituin Escalante, Frenchie Dy, Katrina Velarde, JM Yosures, Khimo Gumatay, Elha Nympha, Fana, Lyka Estrella, at Lara Maigue.

May Anita Baker medley kantahan din ang ASAP divas na sina Zsa Zsa Padilla at Regine Velasquez kasabay sina Bituin at Frenchie.

At may pa-throwback muli sina Martin Nievera, Erik Santos, Zsa Zsa, Bituin, Ogie, at Regine sa '90s OPM classics edition ng "The Greatest Showdown."

Sagot na namin ang inyong sound trip mula sa longest-running at award-winning musical variety show sa bansa, "ASAP Natin 'To," sa local TV sa Kapamilya Channel, Jeepney TV, A2Z, at TV5, online sa Kapamilya Online Live at iWantTFC, at worldwide via TFC.

Para sa updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, X, Instagram, at TikTok o bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom.