News Releases

English | Tagalog

Mga pharmacist at empleyado ng botika, wagi ng P2 milyon sa “Everybody, Sing!”

November 22, 2023 AT 10:22 AM

Ikatlong nanalo ng jackpot prize para sa ikatlong season ng palabas

 

Maagang sumapit ang Pasko para sa songbayanan ng mga pharmacist at empleyado ng botika nang maiuwi nila ang jackpot prize na P2,080,000 sa "Everybody, Sing!" noong Sabado at Linggo (Nobyembre 18 at 19).

Sa pre-jackpot round noong Sabado, nanalo ang mga kalahok ng P80,000 matapos mahulaan ang walong kanta. Sa jackpot round naman noong Linggo, nahulaan ng songbayanan ang labindalawang kanta sa loob ng 70 na segundo na nagdagdagan pa ng 10 na segundo pagkatapos makuha ang bonus na kanta. Nanalo sila ng P2 million jackpot prize matapos hulaan ng tama ang “Best Time” ng BGYO.

“When you go to your workplace, maraming pagkakataon na ang bigat ng energy ng kinakausap niyo, lahat sila may pinagdadaanan. Ang mahirap doon ‘yung energy na humaharap sainyo araw-araw, minsan nakukuha niyo ‘yun. Kaya tonight, this is your break. Uuwi tayong masaya,” sabi ni Vice Ganda sa emosyonal na songbayanan.

Bukod sa songbayanan na ito, tatlong grupo lamang ang nanalo ng P2,000,000 jackpot prize sa ikatlong season ng palabas, ang songbayanan ng mga mag-ama, Manila fire survivors, at mangangalakal.

Abangan ang “Everybody, Sing!”,  ang Best Asian Original Game Show sa ContentAsia Awards 2023, tuwing weekend sa A2Z, Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, TV5, iWantTFC, at TFC IPTV.

Para sa pinakabago sa “Everybody, Sing!”, sundan ang @EVERYBODYSINGPH sa Facebook, X (dating Twitter), at Instagram.

Para sa iba pang balita, sundan ang @ABSCBNPR sa Facebook, X (dating Twitter), Instagram, TikTok, at Threads o bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom.

PHOTOS

DOWNLOAD ALL 5 PHOTOS FROM THIS ARTICLE