News Releases

English | Tagalog

Star Magic artists, nagtipon-tipon para magbigay saya at pamasko sa ikalawang 'Star Magical Christmas' ball

November 22, 2023 AT 02:38 PM

ABS-CBN stars transform into iconic characters in 'Star Magical Christmas' ball

It was a night full of glimmer, good tidings, and gratitude as Star Magic celebrated the yuletide season by giving back to various communities and recognizing the loyalty of its artists in "Star Magical Christmas" ball

Kinilala rin sina Jane, Desiree, Igi Boy at iba pa bilang loyalty awardees

Naghandog ng maagang pamasko ang Star Magic sa katatapos lang na ikalawang "Star Magical Christmas" ball bilang pagbibigay saya at pag-asa sa mga napili nitong benepisyaryo at pagkilala sa loyalidad ng ilan nitong artista.

Kasabay sa pagtitipon ng ilang tinitingalang Star Magic artists, na todo-bihis sa kanilang Christmas-inspired attires, namahagi rin sila ng pamasko sa isinagawang toy drive para sa mga chikiting ng Bantay Bata 163.

Inilunsad din kamakailan ng Star Magic ang "Share the Magic" initiative, kung saan nag-abot ng tulong sa mga nangangailangan ang ilan sa kanilang artista.

Sa nasabing ball kinilala ang katangi-tanging charitable effort na binigyan ng BingoPlus Award for exceptional magic sharing, kung saan itinanghal na grand winner ang "Fractured" stars na sina Francine Diaz, Seth Fedelin, at Raven Rigor na nag-uwi ng P100,000 para sa kanilang benepisyaryo na Ephesus: Home for Girls.

Second place naman ang "Pira-Pirasong Paraiso" stars na nagbahagi ng kanilang napanalunang P50,000 sa Pawssion Project, kasunod ang grupo nina Alexa Ilacad, Nonong Ballinan, at Eric Nicolas na may P30,000 para sa kanilang "Laban Lungs" benefit concert na alay sa dating ABS-CBN head writer na si Sherwin Concepcion na kasalukuyang lumalaban sa sakit na lung cancer.

Maliban dito, kinilala din ang ilang Kapamilya stars para sa kanilang loyalidad at dedikasyon sa Star Magic sa mahabang panahon, tulad ng 25-year talents na sina Desiree del Valle at Andrei Felix, theater actress na si Carla Guevarra-Laforteza (24 years), dating child stars na sina Igi Boy Flores at "Nag-Aapoy na Damdamin" leading lady Jane Oineza (22 years), ang komedyanteng si John "Sweet" Lapus (22 years), pati ang aktor na si Ketchup Eusebio (21 years).

Mapapanood nang on-demand ang ikalawang "Star Magical Christmas" sa official YouTube channel ng Star Magic.

I-follow rin ang Star Magic sa kanilang Facebook, X, Instagram, at TikTok accounts para sa iba pang updates.