News Releases

English | Tagalog

Kaila Estrada, magiging abala sa kusina sa "Tao Po"

November 24, 2023 AT 11:47 AM

Kaila Estrada gets busy in the kitchen on "Tao Po"

Rising star Kaila Estrada shows off her cooking skills as she shares how she navigates the world of showbiz on “Tao Po” this Sunday (November 26).

Hairstylist ni Michelle Dee, ikukwento ang rason sa maikling hairdo ng beauty queen
 

Ipapakita ni Kaila Estrada ang galing sa pagluluto habang ibabahagi kung paano niya hinaharap ang mundo ng showbiz sa “Tao Po” ngayong Linggo (Nobyembre 26).

 

Habang tinitikman ni Bernadette ang luto ni Kaila, pag-uusapan nila ang kanyang pinagdaanan habang lumalaki kasama ang mga magulang na parehong mga aktor. Ikukwento rin ni Kaila ang hamon ng paggawa ng sariling pangalan sa industriya. Makikita rin ng mga manonood soft side ni Atty. Sylvia Lualhati ng “Linlang.”

 

Magpapaayos naman ng buhok ang Kapamilya reporter na si Izzy Lee kay Nelbert Seboy, ang stylist sa likod ng short hairstyle ni Miss Universe-Philippines Michelle Dee. Ibinunyag ni Nelbert ang dahilan sa likod ng hairdo ni Michelle, na naiiba sa karaniwang hairstyle ng mga beauty queen. Pagu-usapan din nila kung paano siya nagsimula at naging hairstylist ng beauty queen.

 

Samantala, nakikilala naman ni Kabayan Noli de Castro ang dating accountant na si Michael Cagas, isa na ngayong vermiculturist, na ibabahagi kung paano siya naimpluwensyahan ng isang kliyente dalawampung taon na ang nakalilipas upang makipagsapalaran sa negosyong ito. Makikita ni Kabayan kung paano nagcucultivate si Michael ng milyong-milyong uod.

 

Huwag palampasin ang mga kapana-panabik na kuwento na ito ngayong Linggo (Nobyembre 19) sa "Tao Po" tuwing 2:15 ng hapon sa A2Z at 6:15 ng gabi sa Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, at ABS-CBN News Online.

 

Para sa ibang updates, i-follow ang @ABSCBNPR sa Facebook, Twitter, Instagram, TikTok, at Threads o bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom   

PHOTOS

DOWNLOAD ALL 3 PHOTOS FROM THIS ARTICLE