News Releases

English | Tagalog

Luis, ibabahagi buhay bilang first-time dad sa “Tao Po”

November 03, 2023 AT 08:56 AM

World Grappling Champion, ipapamalas ang mga kasanayan sa pakikipaglaban ngayong Linggo
 

Tuloy-tuloy ang laugh trip habang nagkukuwento ang “It’s Your Lucky Day” host na si Luis Manzano kung paano niya binabalanse ang kanyang trabaho at buhay bilang ama sa anak na si Isabelle Rosie sa “Tao Po” ngayong Linggo (Nobyembre 5).

Malalaman din ni Bernadette ang lahat ng pinapangarap na proyekto ni Luis para sa hinaharap at ang mga tip na natanggap niya mula sa kanyang mga magulang sina Vilma Santos at Edu Manzano.

Mage-ensayo naman ang Kapamilya reporter na si Champ De Lunas kasama ang World Grappling Champion na si Fierre Afan, bilang paghahanda nito para sa World Combat Games sa Saudi Arabia. Pagu-usapan nila ang mga hamon na kinakaharap ng mga atleta sa kanilang pagtataguyod ng larong ito.

Samantala, pupunta si Kabayan Noli De Castro sa Nueva Ecija para kausapin si Jimmy Cacayan, na nagkamit ng tagumpay sa negosyo dahil sa cream dory. Ikinuwento ni Jimmy, na may limang anak, kung paano binago ng isdang ito ang buhay ng kanyang pamilya.

Panoorin ang mga kaabang-abang na kwento ngayong Linggo (Nobyembre 5) sa “Tao Po” mula 6:15 p.m. sa Kapamilya Channel, A2Z, Kapamilya Online Live, at ABS-CBN News Online.

Para sa ibang updates, i-follow ang @ABSCBNPR sa Facebook, Twitter, Instagram, TikTok, at Threads o bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom.    

PHOTOS

DOWNLOAD ALL 5 PHOTOS FROM THIS ARTICLE