News Releases

English | Tagalog

KD, ramdam ang saya ng puso sa kantang "Be With U"

November 07, 2023 AT 10:14 AM

 

Bagong single mula sa Star Pop

Inilalarawan ng Kapamilya singer-aktor na si KD Estrada kung paano niya nakakalimutan ang mga problema kapag kasama ang minamahal sa buhay sa kanyang bagong single na “Be With U.”

Siya mismo ang sumulat ng upbeat na awitin habang iprinodyus naman ito ni Star Pop label head na si Roque “Rox” Santos.

Tuloy-tuloy na si KD sa pagpapamalas ng kanyang talento sa musika pagkatapos maging celebrity housemate sa “Pinoy Big Brother: Kumunity Season 10,” Binigyang buhay niya ng iba’t ibang soundtrack ng Kapamilya teleserye tulad ng “Mahal Ba Kita?” mula sa web series na “Bola Bola” at “Dreams Don’t Wait” mula sa primetime series na “Marry Me, Marry You.”

Nitong Mayo, inilabas ni KD ang awitin na “Love Led Us Here” na umani ng 280,000 streams sa Spotify habang napasama naman ang latest single na “Be With U” sa Spotify New Music Friday Philippines playlist.

Bilang aktor, ipinakita ni KD ang galing niya sa pag-arte nang bumida siya sa iWantTFC series na “Unloving You” at “Bola Bola” at sa musical play na “Walang Aray.” Kasalukuyan siyang napapanood bilang Elon sa afternoon serye na “Pira-Pirasong Paraiso” kasama ang on-screen partner na si Alexa Ilacad.

Damhin ang matamis na mensahe ni KD sa “Be With U” na napapakinggan sa iba’t ibang streaming platforms. Para sa ibang detalye, sundan ang Star Pop sa Facebook, Twitter, Instagram, at TikTok.

Para sa iba pang updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, Instagram, at Tiktok o bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom.


 

PHOTOS

DOWNLOAD ALL 4 PHOTOS FROM THIS ARTICLE