News Releases

English | Tagalog

Kyle at Seth, nananatiling solid Kapamilya

November 07, 2023 AT 10:15 AM

Pumirma muli ng kontrata sa ABS-CBN 

 

Patuloy na magiging solid Kapamilya ang young Kapamilya leading men na sina Kyle Echarri at Seth Fedelin pagkatapos nilang pumirma ng bagong kontrata sa ABS-CBN na kanilang pangalawang tahanan sa industriya. 

Sa ginawang contract signing event, ibinahagi ni Kyle na mas alam naiintindihan na niya ang ibig sabihin ng pagiging ‘solid Kapamilya’ sa kanyang walong taon sa showbiz. 

“In a world na puno ng kalungkutan, puno ng mga bagay na nakakagalit talaga, it’s nice to be an inspiration to people and show that there’s happiness in this world. That for me is how to be a solid Kpaamilya,” ani Kyle. 

Inalay din ng “Senior High” star ang kanyang career milestone sa kanyang namayapang kapatid na si Bella na pumanaw noong Abril. “I just want to leave a message for my sister who is up there. ‘Ta, we made it. We are here. It’s been a while. I know you are watching over me in everything I do. I know you are also part of this whole journey of mine,” sabi ni Kyle. 

Samantala, inalala naman ni Seth kung paano siya nagsimula sa showbiz, kung saan naranasan niyang pumila sa auditions at nabigyan ng pagkakataon na matupad ang kanyang mga pangarap dahil sa mga taong nagtiwala sa kanya. 

“Ang dami kong pinagdaanan na akala ko, hanggang doon lang ako pero hindi ko hinayaan. Nagsikap ako, inaral ko ‘yung gusto kong maging at hanggang ngayon natututo pa rin ako,” pagbabahagi ni Seth. 

Dagdag pa ng bida ng “Fractured” na pamilya talaga ang turing sa mga talent na katulad niya ng ABS-CBN. “Trabaho ito pero hindi nakikita ng mga tao na kami po para kaming nasa bahay dito.” 

Para panoorin ang contract signing nina Kyle at Seth at malaman kung ano ang mga proyektong nakapila para sa kanilang bagong kabanta bilang Kapamilya, pumunta lamang sa YouTube channel ng Star Magic. 

Para sa iba pang updates, sundan ang @ABSCBNPR sa Facebook, Twitter, Instagram, TikTok, at Threads o bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom