News Releases

English | Tagalog

Bernadette, sinayaw ang viral “Mini Miss U” dance challenge sa “Tao Po”

November 08, 2023 AT 12:18 PM

Dyan Castillejo, aalalahanin ang yumaong coach ng junior tennis na si Jun Toledo

 

Makiki-”Mini Miss U” na rin si Bernadette Sembrano kasama ang grand winner ng “Mini Miss U” ng “It’s Showtime” na si Arianah Kelsey Lasam sa "Tao Po" ngayong Linggo (Nobyembre 12).

Madidiskubre rin ni Bernadette ang dahilan kung bakit pinakahihintay na biyaya si Arianah Kelsey ng kanyang mga magulang. Ibabahagi rin ng mga magulang ni Arianah kung paano nila pinalaki ang kanilang anak bilang isang "bibo girl" na nagbigay-daan upang makuha nito ang korona bilang “Mini Miss U.”

Aalalahanin naman ni Kapamilya reporter Dyan Castillejo at iba pang mga manlalaro mula sa Philippine Tennis Academy ang buhay ng yumaong junior tennis coach na si Jun Toledo. Nagging guro si Jun, na isang manlalaro rin ng tennis, ng maraming kabataang atleta na nagtagumpay sa mundo ng tennis bago siya tamaan ng kanser.

Samantala, makikilala ni Kabayan Noli De Castro si Samuel Mercader sa kanyang dairy farm sa Nueva Ecija. Si Samuel ay umabot lamang sa ikalawang baitang sa paaralan kaya napilitan siyang magtrabaho sa bukid, ngunit sa pamamagitan ng masikhay na pagtatrabaho, may-ari na siya ng isang dairy farm na may higit sa dalawampung baka.

Huwag palampasin ang mga kapana-panabik na kuwento na ito ngayong Linggo (Nobyembre 12) sa "Tao Po" tuwing 2:15 ng hapon sa A2Z at 6:15 ng gabi sa Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, at ABS-CBN News Online.

Para sa ibang updates, i-follow ang @ABSCBNPR sa Facebook, Twitter, Instagram, TikTok, at Threads o bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom.